Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

UST, magpapatupad 2-day academic break

SHARE THE TRUTH

 389 total views

Pansamantalang sususpendihin ng Pontifical and Royal University of Santo Tomas ang klase at office work sa unibersidad mula sa ika-20 hanggang ika-21 ng Setyembre.

Nasasaad sa anunsyo ng UST Office of the Secretary-General na ang naturang hakbang ay bilang tugon ng unibersidad sa panawagan at apela ng mga mag-aaral, administrators, academic staff at support staff para sa pagkakaroon ng academic break sa unibersidad.

Una ng pinangunahan ng UST Central Student Council (CSC) noong ika-9 ng Setyembre ang pananawagan sa pamunuan ng unibersidad para sa pagpapatupad ng University-wide “academic ease” o “academic break” dulot na rin ng malawak na epekto ng Delta variant ng COVID-19.

Sa isinagawang survey ng UST Central Student Council (CSC) sa may 10,395 Thomasian student respondents noong ika-4 hanggang ika-6 ng Setyembre, lumabas na 218 sa mga ito ang nagpositibo sa COVID-19 bukod pa sa mga mag-aaral na nakararanas ng anxiety at depression.

Bahagi ng panawagan ng UST Central Student Council (CSC) sa pamunuan ng unibersidad ang higit na pagpapahalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga mag-aaral at maging ng mga kawani na lubos ring naaapektuhan ng pandemya.

Nagsimula ang Academic Year 2021 to 2022 ng UST noong ika-9 ng Agosto, 2021 kung saan limitado lamang sa medical and health-allied programs ang isinasagawang face to face o physical classes sa unibersidad.(reyn)

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 102,305 total views

 102,305 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 110,080 total views

 110,080 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 118,260 total views

 118,260 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 133,369 total views

 133,369 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 137,312 total views

 137,312 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 60 total views

 60 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 25,312 total views

 25,312 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 25,989 total views

 25,989 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top