Depensahan ang mga nangangalaga ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 426 total views

Mga Kapanalig, sa gitna ng tumitinding krisis sa klima, hindi matatawaran ang kahalagahan ng mga taong ipinaglalaban ang karapatan ng kalikasan laban sa hindi makatarungan at nakapipinsalang pananamantala sa mga likas na yaman. Sa kasamaang palad, sa halip na pinararangalan at pinoprotektahan, sila ay kasama sa mga tinutugis at pinapatay.

Sa pinakabagong ulat na inilabas ng Global Witness ngayong taon, naitala nito ang 227 na kaso ng pagpaslang sa mga tinatawag na land and environmental defenders o mga taong dinedepensahan at pinoprotektahan ang kanilang mga tahanan, lupang ninuno, kabuhayan, at ang kalikasang mahalaga para sa biodiversity at klima ng isang lugar. Sa ulat na pinamagatang “Last Line of Defense”, pumangatlo ang Pilipinas sa pinakamapanganib na bansa sa buong mundo para sa mga environmental defenders. Ang Pilipinas ay may 29 kaso ng pagpatay sa mga environmental activists noong 2020; nangunguna tayo sa buong Asya sa walong magkakasunod na taon.

Sa halip na karangalan at proteksyon ang ibinibigay sa mga nangangalaga sa kalikasan, kapansin-pansing mas naging talamak ang karahasan laban sa kanila sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Duterte. Mula noong 2016 hanggang sa pagtatapos ng 2020, 166 environmental defenders ang pinatay. Noong nakaraang linggo lang, binaril at pinatay ng dalawang hindi kilalang salarin ang vice chairperson ng Union of People’s Lawyers sa Mindanao (o UPLM) at isa ring anti-mining advocate na si Atty. Juan Macababbad. Pinatay siya sa harap ng kanyang bahay sa bayan ng Surallak, South Cotabato. Dalawang buwan lamang ang nakakaraan, dalawang forest rangers ng Masungi Georeserve sa probinsya ng Rizal ang nagtamo ng tama ng baril sa ulo at leeg habang nagbabantay sa nasabing reforestation site. “Land grabbers, professional squatters, at illegal encroachers” kung tawagin ng mga namamahala ng Masungi Georeserve Foundation ang mga matagal nang nagbabanta at nanggigipit sa kanilang mga forest rangers. Dahil sa esensya ng adhikain at trabaho ng mga land and environmental defenders, maraming nagtatangkang patahimikin sila sa pamamagitan ng pagbabanta sa kanilang buhay at iba pang uri ng pananakot at karahasan. Gaya ng mga kaso ng pagpatay ng mga vigilante o mga di-kilalang salarin sa Oplan Tokhang, halos wala ring napapanagot sa mga kaso ng pamamaslang at karahasan laban sa mga environmental defenders. Sa kabila ng patung-patong na isinampang demanda at mga pangako ng mga pulis at opisyal ng gobyerno sa pagtugis sa mga salarin, patuloy pa rin ang paghahanap ng hustisya.

Ngayong nasa peligrosong kalagayan ang ating planeta dahil sa climate change, mas lalong kailangan ang malaking kontribusyon ng mga environmental defenders. Sa tuwing tinututulan halimbawa ng mga katutubo ang pagpapatayo ng dam o ng anumang mapanirang imprastraktura sa kanilang lugar, hindi lamang nila dinedepensahan ang kanilang lupang ninuno, hindi lang ang kanilang sariling komunidad ang ipinagtatanggol nila. Pinoprotektahan din nila ang mga ilog, puno, bundok, at lupaing pinakikinabangan nating lahat. Nararapat lang na proteksyon at pagpapahalaga rin ang ibalik sa mga taong ginagampanan ang papel na iniatas ng Diyos sa tao na alagaan ang Kanyang nilikha, gaya ng mababasa natin sa Genesis 2:15.

Mga Kapanalig mahalagang tandaan natin ang nakasaad sa mga panlipunang turo ng Simbahan: sagrado at hindi maaaring labagin ang karapatan ng bawat taong mabuhay. Nakalulungkot na madalas hindi nakikita o sadyang hindi pinapansin ang kritikal na kontribusyon ng mga tagapangalaga ng kalikasan sa pagprotekta sa nag-iisa nating tahanan. Kasabay ng pakikinig sa daing ng ating kalikasan, tugunan din natin ang pagsaklolo ng mga nangangalaga ng kalikasan. Mahalagang mapanagot ang malalaking kompanya at korporasyong may kinalaman sa mga pagpatay, pati na ang pagpapaalala sa pamahalaang may mandato itong itaguyod ang karapatan ng tao at ng kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 85,587 total views

 85,587 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 115,810 total views

 115,810 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 142,459 total views

 142,459 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 237,432 total views

 237,432 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 252,821 total views

 252,821 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 85,589 total views

 85,589 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 115,812 total views

 115,812 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 142,461 total views

 142,461 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 237,434 total views

 237,434 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top