SLP, kinundena ang pag-apruba ng Kamara sa absolute divorce bill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 742 total reads

Mariing nanindigan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas laban sa ginawang pag-apruba ng House Committee on Population and Family Relations sa Absolute Divorce Bill na inaasahan ring ipapasa sa plenary meeting ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa opisyal na pahayag ng implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ay mariing iginiit ni Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Roquel Ponte ang paninindigan ng Simbahan laban sa tangkang pagpapahina at pagbuwag sa pundasyon ng pagpapamilya sa pamamagitan ng pagsasabatas ng divorce law sa bansa.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas strongly opposes the approval of the bill instituting absolute divorce as an alternative mode for the dissolution of marriage in the Philippines by the House Committee on Population and Family Relations last August 17, 2021.” Ponte.

Ipinaliwanag ni Ponte na malinaw na nasasaad sa 1987 Philippine Constitution ang dapat na pagpapahalaga, pagpapatatag at pagbibigay proteksyon sa kasagraduhan ng kasal at pamilya sa bansa.

Kaugnay nito, muli ring isinapubliko ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang nauna ng pahayag ng paninindigan ng organisasyon laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas noong February 3, 2020 na mayroong titulong “Marriage and Family is a Gift”.

“The 1987 Philippine Constitution clearly, plainly and with no trace of any ambiguity established and institutionalized the sanctity of marriage and its inviolability and has mandated the state with the words “shall” to defend it.” Dagdag pa ni Ponte.

Una ng binigyang diin ni Apostolic Vicariate of Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na siyang chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na ang sakramento ng kasal ay hindi lamang isang malalim na tanda o kahulugan ng pagsasama ng mag-asawa sa halip ay nagbibihay ng katangi-tanging grasya o biyaya ng Diyos upang magampanan ng mag-asawa ang kanilang tungkulin sa pamilya.

Matatandaang iginiit ng CBCP na hindi solusyon sa mga problema at hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa ang paghihiwalay o diborsyo na siyang magpapahina sa pundasyon ng pagkatao ng mga batang mayroong magkahiwalay na magulang.

Attached: MARRIAGE AND FAMILY IS A GIFT (Our Stand Against Divorce) Statement

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 69,247 total reads

 69,247 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 147,885 total reads

 147,885 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 181,333 total reads

 181,333 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 216,630 total reads

 216,630 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 440,341 total reads

 440,341 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top