Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Depensahan ang mga nangangalaga ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

 166 total views

Mga Kapanalig, sa gitna ng tumitinding krisis sa klima, hindi matatawaran ang kahalagahan ng mga taong ipinaglalaban ang karapatan ng kalikasan laban sa hindi makatarungan at nakapipinsalang pananamantala sa mga likas na yaman. Sa kasamaang palad, sa halip na pinararangalan at pinoprotektahan, sila ay kasama sa mga tinutugis at pinapatay.

Sa pinakabagong ulat na inilabas ng Global Witness ngayong taon, naitala nito ang 227 na kaso ng pagpaslang sa mga tinatawag na land and environmental defenders o mga taong dinedepensahan at pinoprotektahan ang kanilang mga tahanan, lupang ninuno, kabuhayan, at ang kalikasang mahalaga para sa biodiversity at klima ng isang lugar. Sa ulat na pinamagatang “Last Line of Defense”, pumangatlo ang Pilipinas sa pinakamapanganib na bansa sa buong mundo para sa mga environmental defenders. Ang Pilipinas ay may 29 kaso ng pagpatay sa mga environmental activists noong 2020; nangunguna tayo sa buong Asya sa walong magkakasunod na taon.

Sa halip na karangalan at proteksyon ang ibinibigay sa mga nangangalaga sa kalikasan, kapansin-pansing mas naging talamak ang karahasan laban sa kanila sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Duterte. Mula noong 2016 hanggang sa pagtatapos ng 2020, 166 environmental defenders ang pinatay. Noong nakaraang linggo lang, binaril at pinatay ng dalawang hindi kilalang salarin ang vice chairperson ng Union of People’s Lawyers sa Mindanao (o UPLM) at isa ring anti-mining advocate na si Atty. Juan Macababbad. Pinatay siya sa harap ng kanyang bahay sa bayan ng Surallak, South Cotabato. Dalawang buwan lamang ang nakakaraan, dalawang forest rangers ng Masungi Georeserve sa probinsya ng Rizal ang nagtamo ng tama ng baril sa ulo at leeg habang nagbabantay sa nasabing reforestation site. “Land grabbers, professional squatters, at illegal encroachers” kung tawagin ng mga namamahala ng Masungi Georeserve Foundation ang mga matagal nang nagbabanta at nanggigipit sa kanilang mga forest rangers. Dahil sa esensya ng adhikain at trabaho ng mga land and environmental defenders, maraming nagtatangkang patahimikin sila sa pamamagitan ng pagbabanta sa kanilang buhay at iba pang uri ng pananakot at karahasan. Gaya ng mga kaso ng pagpatay ng mga vigilante o mga di-kilalang salarin sa Oplan Tokhang, halos wala ring napapanagot sa mga kaso ng pamamaslang at karahasan laban sa mga environmental defenders. Sa kabila ng patung-patong na isinampang demanda at mga pangako ng mga pulis at opisyal ng gobyerno sa pagtugis sa mga salarin, patuloy pa rin ang paghahanap ng hustisya.

Ngayong nasa peligrosong kalagayan ang ating planeta dahil sa climate change, mas lalong kailangan ang malaking kontribusyon ng mga environmental defenders. Sa tuwing tinututulan halimbawa ng mga katutubo ang pagpapatayo ng dam o ng anumang mapanirang imprastraktura sa kanilang lugar, hindi lamang nila dinedepensahan ang kanilang lupang ninuno, hindi lang ang kanilang sariling komunidad ang ipinagtatanggol nila. Pinoprotektahan din nila ang mga ilog, puno, bundok, at lupaing pinakikinabangan nating lahat. Nararapat lang na proteksyon at pagpapahalaga rin ang ibalik sa mga taong ginagampanan ang papel na iniatas ng Diyos sa tao na alagaan ang Kanyang nilikha, gaya ng mababasa natin sa Genesis 2:15.

Mga Kapanalig mahalagang tandaan natin ang nakasaad sa mga panlipunang turo ng Simbahan: sagrado at hindi maaaring labagin ang karapatan ng bawat taong mabuhay. Nakalulungkot na madalas hindi nakikita o sadyang hindi pinapansin ang kritikal na kontribusyon ng mga tagapangalaga ng kalikasan sa pagprotekta sa nag-iisa nating tahanan. Kasabay ng pakikinig sa daing ng ating kalikasan, tugunan din natin ang pagsaklolo ng mga nangangalaga ng kalikasan. Mahalagang mapanagot ang malalaking kompanya at korporasyong may kinalaman sa mga pagpatay, pati na ang pagpapaalala sa pamahalaang may mandato itong itaguyod ang karapatan ng tao at ng kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 13,429 total views

 13,429 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 19,402 total views

 19,402 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 25,157 total views

 25,157 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 32,420 total views

 32,420 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 40,404 total views

 40,404 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 13,430 total views

 13,430 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 19,403 total views

 19,403 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 25,158 total views

 25,158 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 32,421 total views

 32,421 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,405 total views

 40,405 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,986 total views

 35,986 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,990 total views

 47,990 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,032 total views

 56,032 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,589 total views

 47,589 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,014 total views

 46,014 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,800 total views

 47,800 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,725 total views

 44,725 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,039 total views

 59,039 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,729 total views

 62,729 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,332 total views

 61,332 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top