Pagtatayo ng mga kooperatiba, nakitang solusyon ng Caritas Manila sa kahirapang dinaranas ng maralita

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total views

Naniniwala si Caritas Manila Executive Director at Radyo Veritas 846 President Rev. Fr. Anton CT Pascual na mahalagang magkaroon ng sustainable na mga programa para tulungan ang mga maralita na lalong nalugmok sa kahirapan dahil na rin sa epekto ng pandemya.

Sa ginawang pag-iikot ni Fr. Pascual sa isang Stilt Community sa Navotas kasama ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, aminado ang pari na nalulungkot ang Simbahan na makita ang kalagayan ng mamamayan na lalo pang naghihirap dahil sa epekto ng pandemya.

Ayon kay Fr. Pascual, patuloy na sinisikap ng mga institusyon tulad ng Caritas Manila na umagapay at magbigay ng ayuda sa mga naghihirap na mamamayan sa tulong ng ilang mga pribadong grupo.

“Marami ang natanggal ang trabaho nalugi ang mga negosyo kaya’t mahalaga na ang simbahan ay nariyan kasama ang mga private sectors [Accenture] na tumutulong para maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan.” Giit ni Fr. Pascual sa panayam ng Radyo Veritas.

Isa sa mga nakikitang solusyon ni Fr. Pascual ang pagpapalakas ng mga kooperatiba sa Simbahan na siyang magpapahiram ng puhunan o pondo sa mga mahihirap na magagamit upang mapaganda ang kanilang mga buhay.

“ang mahalaga dito ang sustainability, ang inaasahan natin na mapalakas natin yun kooperatiba ng mga mahihirap para tuloy-tuloy ang suporta ng Simbahan at Private sector lalo na [para] sila ay makabili ng mga pagkain at makahiram ng puhunan sa pag-nenegosyo. Kaya mahalaga ang cooperative for sustainability ng mga mahihirap. Nagkaisa ngayon pati ang mga donors at mga Parokya para tulungan sila sa ayuda at gamitin natin for development purposes.” Dagdag pa ng Pari na hinirang na most outstanding cooperative leader noong taong 2015.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2018, lumalabas na umaabot sa 16.7 % ang poverty incidence sa Pilipinas kung saan tinatayang nasa 17.7 Milyon ng mga Pilipino ang hindi sapat ang kinikita para makabili o makatanggap ng mga tinaguriang basic commodities.

Sinisikap naman ng Simbahang Katolika na patuloy na gumawa ng mga programa at proyekto na naglalayong makatulong sa mga mahihirap partikular na dito ang Caritas Manila na nakapagbigay ng mahigit sa 1.3 Bilyong piso na halaga ng ayuda katuwang ang ilang mga pribadong sektor noong 2020 kasabay ng pagpapatupad ng mga community quarantine sa bansa dulot ng Covid19 pandemic.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 84,596 total views

 84,596 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 114,819 total views

 114,819 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 141,468 total views

 141,468 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 236,441 total views

 236,441 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 251,893 total views

 251,893 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 89,527 total views

 89,527 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top