Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 448 total reads

Ang kapangyarihan, kapanalig ay isang biyaya na madaling maabuso ng tao. Maraming uri ito. Ang lagi nating kilala, halimbawa, ay ang poder sa gobyerno – ang pagkakaroon ng mataas na pwestong politikal o halal. Kapangyarihan din kapanalig, ang pwersa ng armas – mapapulis o military, o mapa-terorista, ang armas ay nagdadala ng takot sa marami, at kaya nito mapasunod ang tao kahit labag pa sa kanyang kalooban.

Ang kombinasyon ng kapangyarihang pampulitika at armas ay delikado – nakakamatay. Kaya’t dapat tayo ay mapagbantay, mapagmatyag, at mapanuri sa mga taong bibigyan natin ng kapangyarihan. Nakita natin ang deadly combination na ito noong panahon ng Martial Law, at nakita rin natin ulit ito sa drug war ng rehimeng Duterte.

Gumising tayo kapanalig. Eto na naman ang panahon ng pagpipili ng pinuno ng bayan. Baka eto na naman tayo – madaling mahuhulog sa kanilang panunuyo, at magiging pipi at bulag sa kanilang mga kahinaan, kanilang track record, at sa kanilang kapalpakan. Konting talumpati, konting song and dance, tuwang tuwa na tayo, naloloko tayo.

Ito ang dapat nating mabago kapanalig. Lagi tayong nabibighani sa kandidato. Sa kampanya pa lamang, binibigay na natin agad sa kanilang kamay ang upperhand, ang kapangyarihan. Ito ang dapat mabago kapanalig. Wala sa pulitiko ang kapangyarihan, nasa atin.

Sa ating tuwinang pagsuko ng kapangyarihan sa mga pulitiko, tayo mismo ang nagsusulong ng kawalan ng katarungan sa ating lipunan. Taliwas ito sa gabay sa atin ng Panlipunang Turo ng Simbahan. Ayon nga sa Economic Justice for All, “Social justice implies that persons have an obligation to be active and productive participants in the life of society.”

Gawin nating makabuluhan ang pakikilahok natin sa lipunan, kapanalig. Ating bawiin ang kapangyarihan  mula sa mga kurap at huwad na pinuno ng bayan. Ang eleksyon ay isang platapormang dapat nating linangin at gamitin ng wasto.

Tinatayang lampas pa sa 61 milyon ang mga botante ngayong darating 2022 elections. Ngayon, apat na ang mga presidential candidates na umaasa sa boto ng madla. Nasa ating kamay ang kanilang kapalaran. Nasa ating kamay ang kapangyarihan. Sana mapaghandaan natin ito at magkaisa tayo. Nawa’y pumili tayo ng lider na tunay na maglilingkod sa bayan, hindi para sa kanilang sarili.

Kapanalig, ang tunay na kapangyarihan ay hindi nanggagaling sa iisa o iilang tao lamang. Pigilan na natin ang maling pag-gamit ng pwersa. Huwag tayong madali lumimot, kapanalig.  Huwag tayo maniwala sa pagbabaluktot ng katotohanan.

Sumainyo ang Katotohanan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,021 total reads

 11,021 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,334 total reads

 12,334 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,020 total reads

 26,020 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,398 total reads

 63,398 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,668 total reads

 94,668 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,231 total reads

 170,231 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,202 total reads

 263,202 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 26,021 total reads

 26,021 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,399 total reads

 63,399 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,669 total reads

 94,669 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,232 total reads

 170,232 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top