Kawalan ng housing program ng kasalukuyang administrasyon, ikinalulungkot ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 734 total reads

Nababahala si Diocese of Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa kawalan ng maayos na programa para sa pabahay ng mga mahihirap na mamamayan partikular na sa mga patuloy na naninirahan sa mga daluyan ng tubig o waterways.

Sa pag-iikot ni Bishop David sa isang komunidad sa Navotas City kung saan namahagi ito ng mga gift certificates katuwang ang Caritas Manila, Caritas Kalookan at Accenture Philippines, sinabi nito na siya ay nalulungkot sa patuloy na suliranin ng mga mahihirap na nakatira sa nasabing lugar.

Naniniwala si Bishop David na dapat maging prayoridad ng pamahalaan ang programa para sa pabahay lalo na’t ang mga nakatira sa ganitong uri ng mga kabahayan ay hindi nakakatanggap ng sapat na benepisyo na bahagi ng kanilang karapatan bilang mamamayan.

Ikina-alarma din ng Obispo nang mapag-alamang nagbabayad ng hanggang sa isang libo at limang daang piso na buwanang renta ang ilan sa mga pamilyang nakatira sa mga barong-barong o Stilt houses.

Umaasa din ang upcoming CBCP President na matutulungan ang mga nasa nasabing komunidad na magkaroon ng mga sapat na dokumento gaya ng mga birth certificates sapagkat isa aniya ito sa mga nagiging hadlang upang makatanggap sila ng sapat na mga tulong o programa para sa kanilang mga pangangailangan.

“Nakakalungkot na hanggang ngayon hindi pa mabigyan ng prayoridad yun mga nasa waterways ang tagal na, na bahagi dapat ng housing priorities ng pamahalaan na ma-prioritize ang mga nasa waterways and nakakalungkot din na most of this people ay nagre-rent din at mas mahal pa ang rent nila sa tubigan kaysa sa mga pabahay but as usual the ‘pabahay’ are not enough at parang madami din kasi requirements and one of it of course ay mga dokumento. Many of this people ay undocumented, nakakalungkot na parang kahit certificate of live birth wala sila at kapag wala sila nun parang your like not an entity parang hindi ka Citizen ng bansa na ito and you cannot avail yourself of public services” Pahayag ni Bishop David sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa kabila nito ipinagpapasalamat ni Bishop David na may mga pribadong grupo na nakikipagtulungan sa Simbahang Katolika upang makapagbigay ng ayuda sa mga mahihirap.

Nagpapasalamat ang Obispo ng Diyosesis ng Kalookan sa tulong na ibinabahagi ng iba’t-ibang institusyon para makapagbahagi ng ayuda sa mga dukha.

“Alam mo every centavo counts believe it or not every centavo counts, kaya natutuwa ako na may partners tayo sa Caritas like yung Accenture. Sa taong may kaya gasino lang yung P1,000 pero sa kanila malaking bagay na yun” dagdag pa ng Obispo na kilala din sa tawag na Bishop Ambo.

Batay sa datos, nasa 4.5 Milyong Pilipino ang naninirahan sa mga informal settlement kung saan nasa 3 milyon dito ay nasa Metro Manila.

Patuloy na sinisikap ng Simbahang Katolika na makapagbigay ng mga programa tulad ng scholarship, livelihood at maging pabahay upang maibsan ang nasabing suliranin sa bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,510 total reads

 58,510 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,655 total reads

 137,655 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 171,100 total reads

 171,100 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,398 total reads

 206,398 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,552 total reads

 430,552 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,845 total reads

 111,845 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top