Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 662 total reads

Kapanalig, hindi natin maitatanggi—ang internet na ang naging takbuhan ng maraming mga bata para sa laro, pakikipag-kaibigan, at syempre pag-aaral. Maganda sana ito dahil nakikita natin na digitally ready na ang mga bata. Ito na rin naman ang future ng maraming trabaho sa ating bayan.

Ang UNICEF ay may ginawang pag-aaral kamakailan kung saan kanilang sinaliksik ang karanasan ng mga kabataang Filipino sa internet, paano nila ginagamit ito, at ano ang mga benipisyong nakukuha nila dito.

Ayon sa pag-aaral, ang social media ang platapormang laging ginagamit ng mga bata, gaya ng Facebook, Youtube, at Instagram. Kadalasan pa nga, napagpapalit nila ang mga terminong social media at internet – kumbaga para sa marami sa kanila, ang social media ay internet na, sa halip na isang bahagi lamang ito ng pagkonekta sa internet. Kadalasan nila itong ginagamit para makasama ang mga kaibigan nila o para sa pag-aaral. Pag kasama nila ang kaibigan, kadalasan gamit nila ang messaging app, o di kaya mga online games, o mga networking apps. Tatlo sa sampung bata ang nakikipaglalaro sa mga multiplayer games sa Internet. Isa naman sa dalawang bata ang nagsasabi na ginagamit nila ang internet para sa kanilang pag-aaral kada linggo, o minsan halos araw araw pa. May mga batang nagsasabi—mga apat sa sampu—na mas komportable sila online kaysa sa mga face-to-face interactions. Pero, marami pa rin ang nagsasabi na pakiramdam nila, hindi sila safe online.

Kapanalig, kung ating pagninilayan ang pag-aaral na ito, makikita natin na kailangan ng kabataan ang ating gabay pagdating sa pag-gamit ng internet. Minsan, naka-focus tayo sa mga masasamang makikita online, pero hindi natin nabibigyan diin ang magagandang aspeto nito. Pwede natin ipakita sa mga bata ang mga makabuluhan at magandang content na kanilang magagamit mula sa iba’t ibang educational websites, upang hindi lamang sila naka-focus sa facebook o sa tiktok.

Ang internet kapanalig, ay kaban ng knowledge o kaalaman. At sa panahon natin ngayon, knowledge is wealth, knowledge is power. Hindi ba’t ang terminong knowledge economy ay matunog ngayon?  Ang pagdating ng digital age ay napabilis sa buong mundo dahil na rin sa epekto ng pandemya sa sandaigdigan. Ang mga bansang may malawak na kaalaman at may kakayahan na ilapat o i-apply ang kaalaman na ito sa ating lipunan ang siyang nauuna sa pagbangon mula sa pandemya.

Panahon na kapanalig, upang linangin natin ang Internet para sa mas malawakang kabutihan ng mga kabataan. Ituro natin sa kanila na hindi lamang social media o games ang maaring makita dito. Tulungan natin silang gamitin ito ng wasto. Palakasin natin ang access nila dito upang abot kamay nila ang kaalamang libre sa Internet. Ito ay bahagi ng panlipunang katarungan dahil ang kaalamang ito ay tutulong sa kanilang makatakas sa kahirapan. Ayon nga sa Evangelii Gaudium, huwag nating pairalin ang ekonomiya ng ekslusyon kung saan ang mahina at nasa laylayan ay walang makikitang posibilidad at pag-asang makalaya sa karalitaan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,406 total reads

 73,406 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 151,916 total reads

 151,916 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,364 total reads

 185,364 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,661 total reads

 220,661 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,218 total reads

 444,218 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 73,407 total reads

 73,407 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 151,917 total reads

 151,917 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,365 total reads

 185,365 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,662 total reads

 220,662 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top