Ika-5 anibersaryo ng SANLAKBAY, pangungunahan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 706 total reads

Nakatakdang pangunahan ng Kanyang Kabunyian Jose Cardinal Advincula – Arsobispo ng Archdiocese of Manila ang paggunita ng ika-limang anibersaryo ng Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay.

Ang “SANLAKBAY para sa Pagbabagong Buhay” ay ang drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila na itinatag noong 2016 bilang paraan ng pagtugon ng Simbahang Katolika sa suliranin ng pagkalulong sa illegal na droga ng ilang mamamayan.

Tema ng ikalimang anibersaryo ng Sanlakbay ay ang “Sana All Kapag Tulong-tulong may pagsulong”.

Ayon kay Rev. Fr. Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz, Priest-in-Charge ng Restorative Justice Ministry ng Archdiocese of Manila na nangangasiwa sa programang SANLAKBAY, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang institusyon ng lipunan upang mapanumbalik ang tiwala at kapanatagan na kinakailangan para makapagbagong buhay ang isang nalulong sa pinagbabawal na gamot.

“5 years na! Ang sama-samang tulungan ng iba’t-ibang mahalagang institusyon pati na mga indibidwal na may mabuting loob ay bahagi sa Pag-unlad, Pagpapanumbalik ng Tiwala, at Kapanatagan na kinakailangan para magbagong buhay ang isang nalulong sa pinagbabawal na droga.” mensahe ni Fr. Roberto ‘Bobby’ Dela Cruz.

Nakatakda ang paggunita ng ika-limang anibersaryo ng Sanlakbay sa Pagbabago ng Buhay sa ika-23 ng Oktubre, 2021 kung saan isasagawa ang isang Banal na Misa sa Archdiocesan Shrine of Sto. Nino de Tondo ganap na alas-nuebe ng umaga na maaaring masubaybayan sa pamamagitan ng pagtutok sa live streaming ng gawain sa Facebook page ng Archdiocesan Shrine of Sto. Nino de Tondo, Quiapo Church, Caritas Manila, TV Maria at Veritas846.ph.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 31,227 total reads

 31,227 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 62,499 total reads

 62,499 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 140,462 total reads

 140,462 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 234,689 total reads

 234,689 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 294,053 total reads

 294,053 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,166 total reads

 22,166 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top