Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 534 total views

Kapanalig, hindi natin maitatanggi—ang internet na ang naging takbuhan ng maraming mga bata para sa laro, pakikipag-kaibigan, at syempre pag-aaral. Maganda sana ito dahil nakikita natin na digitally ready na ang mga bata. Ito na rin naman ang future ng maraming trabaho sa ating bayan.

Ang UNICEF ay may ginawang pag-aaral kamakailan kung saan kanilang sinaliksik ang karanasan ng mga kabataang Filipino sa internet, paano nila ginagamit ito, at ano ang mga benipisyong nakukuha nila dito.

Ayon sa pag-aaral, ang social media ang platapormang laging ginagamit ng mga bata, gaya ng Facebook, Youtube, at Instagram. Kadalasan pa nga, napagpapalit nila ang mga terminong social media at internet – kumbaga para sa marami sa kanila, ang social media ay internet na, sa halip na isang bahagi lamang ito ng pagkonekta sa internet. Kadalasan nila itong ginagamit para makasama ang mga kaibigan nila o para sa pag-aaral. Pag kasama nila ang kaibigan, kadalasan gamit nila ang messaging app, o di kaya mga online games, o mga networking apps. Tatlo sa sampung bata ang nakikipaglalaro sa mga multiplayer games sa Internet. Isa naman sa dalawang bata ang nagsasabi na ginagamit nila ang internet para sa kanilang pag-aaral kada linggo, o minsan halos araw araw pa. May mga batang nagsasabi—mga apat sa sampu—na mas komportable sila online kaysa sa mga face-to-face interactions. Pero, marami pa rin ang nagsasabi na pakiramdam nila, hindi sila safe online.

Kapanalig, kung ating pagninilayan ang pag-aaral na ito, makikita natin na kailangan ng kabataan ang ating gabay pagdating sa pag-gamit ng internet. Minsan, naka-focus tayo sa mga masasamang makikita online, pero hindi natin nabibigyan diin ang magagandang aspeto nito. Pwede natin ipakita sa mga bata ang mga makabuluhan at magandang content na kanilang magagamit mula sa iba’t ibang educational websites, upang hindi lamang sila naka-focus sa facebook o sa tiktok.

Ang internet kapanalig, ay kaban ng knowledge o kaalaman. At sa panahon natin ngayon, knowledge is wealth, knowledge is power. Hindi ba’t ang terminong knowledge economy ay matunog ngayon?  Ang pagdating ng digital age ay napabilis sa buong mundo dahil na rin sa epekto ng pandemya sa sandaigdigan. Ang mga bansang may malawak na kaalaman at may kakayahan na ilapat o i-apply ang kaalaman na ito sa ating lipunan ang siyang nauuna sa pagbangon mula sa pandemya.

Panahon na kapanalig, upang linangin natin ang Internet para sa mas malawakang kabutihan ng mga kabataan. Ituro natin sa kanila na hindi lamang social media o games ang maaring makita dito. Tulungan natin silang gamitin ito ng wasto. Palakasin natin ang access nila dito upang abot kamay nila ang kaalamang libre sa Internet. Ito ay bahagi ng panlipunang katarungan dahil ang kaalamang ito ay tutulong sa kanilang makatakas sa kahirapan. Ayon nga sa Evangelii Gaudium, huwag nating pairalin ang ekonomiya ng ekslusyon kung saan ang mahina at nasa laylayan ay walang makikitang posibilidad at pag-asang makalaya sa karalitaan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 83,210 total views

 83,210 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 113,433 total views

 113,433 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 140,083 total views

 140,083 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 235,056 total views

 235,056 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 250,623 total views

 250,623 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 83,211 total views

 83,211 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 113,434 total views

 113,434 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 140,084 total views

 140,084 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 235,057 total views

 235,057 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top