Epekto ng Pandemya sa mga Bata

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total views

Kapanalig, mas maraming mga bata ang naitulak sa kahirapan ngayon dahil sa pandemya. Mas  maraming bata ngayon ang nawalan ng access sa mga batayang serbisyo ng bayan dahil sa mga restriksyong dulot ng malawakang pagkalat ng COVID-19. Malaking pagkukulang ito sa hanay ng mga tinuturing nating pag-asa ng bayan, lalo’t pa ang kanilang sektor ang isa sa mga consistent na nasa top three na pinakamahirap sa ating bansa. Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), 31.4% ng mga bata ay nagmumula sa mga mahihirap na pamilya.

Kaya’t nakakalungkot kapanalig na makita mula sa report ng UNICEF na malaki ang epekto ng pandemya sa mga bata, at ang social amelioration na nabigay ng gobyerno ay nakatulong man, pero hindi talaga sapat.

Nakita ng naturang pag-aaral na malawak na proporsyon ng ating populasyon ang naabot ng Social Ameleoration Program (SAP) ng pamahalaan, kaya lamang may mga pamilyang hindi pa rin nito naabot, lalo na ang mga mamamayang hindi naman dati nasa ilalim ng poverty line. Marami sa mga pamilyang di naabot ay may mga buntis, senior citizens, at mga persons with disabilities. May mga respondents din sa kanilang pag-aaral mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nagsabi na sa DSWD lamang sila nakatanggap ng ayuda, di gaya ng ibang lugar kung saan nagbigay din ang mga LGUs.

Dahil nga bitin ang ayuda na nakuha ng maraming pamilya at halos wala na ring kinikita ang marami sa kanila, nagbabawas na lamang ng makakain ang maraming pamilya, at syempre, sa ganitong sitwasyon, kawawa ang mga bata.  Kaya’t malaking tulong sa maraming Filipino noon hindi lamang ang ayuda na in-cash, kundi pati ang mga ayuda na in-kind. Naging pantawid gutom ito ng maraming Filipino.

Dahil sa wala ng kinikita at kinakain ang marami, maraming mga nanay ang napilitang mamili – magtrabaho ba o mag-alaga ng anak. Marami sa mga respondents ng survey ang nagsabi na may mga pagkakataon na napapabayaan na nila ang kanilang mga anak o nababaon sila sa utang para lamang makaraos sa problema.  Dagdag pa ito sa mental stress o takot na magka-covid sila at mga miyembro ng pamilya.

Maraming stress na naranasan sa panahon ng pandemya ang mga bata, lalo na ang  mga mula sa maralitang pamilya. Nakulong sila sa mga barong barong sobra ang init pag tag-araw, at tumutulo naman pag tag-ulan. May mga pagkakataon na sila ang nabubuntunan ng galit ng kanilang aligagang magulang. Kinailangan din nila mag-adjust sa online learning – na mahirap gawin lalo na kung wala kang internet connection o gadget.

Sabi sa Deus Caritas Est “Sa komunidad ng mga nanalig, wala dapat puwang ang karalitaan na nagnanakaw ng dignidad ng tao.” Kapanalig, buhay at dignidad ang ninakaw ng pandemya sa maralitang Filipino, lalo na sa mga bata. Dapat nating tutukan ang kanilang sitwasyon at piliting mai-ahon sila sa lalong madaling panahon. Agarang aksyon ang kailangan sapagkat maraming buhay ng mga inosenteng bata ang nakataya dito.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 38,963 total views

 38,963 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 82,571 total views

 82,571 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 166,378 total views

 166,378 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 180,648 total views

 180,648 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang fourth estate

 38,964 total views

 38,964 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 82,572 total views

 82,572 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 166,379 total views

 166,379 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »
Scroll to Top