Pagbabalik sa Malakanyang ng pamilya Marcos at Duterte, ikinababahala ng PCPR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 621 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala ang Promotion of Church People’s Response,isa sa mga kasaping grupo ng 1Sambayan sa posibilidad na muling makabalik sa kapangyarihan ang mga Duterte o Marcos partikular na sa Malacanang.

Dahil dito, binigyang diin ng mga grupo ang pagsusulong sa orihinal na misyon at layunin ng 1Sambayan na pagbuklurin ang mga tunay na oposisyon para sa nakatakdang halalan.

Ayon sa Promotion of Church People’s Response, mahalaga ring patuloy na maimulat ang kamalayan ng mga botante upang hindi na muling makabalik sa posisyon sa pamahalaan maging ang mga kaalyado sa pulitika ng pamilya Duterte at Marcos na kapwa malaking banta sa demokrasya at kaayusan ng bansa.

“We, member organizations of 1Sambayan, believe that the looming possibility of the perpetuation of Duterte’s incompetent and tyrannical rule, and the return to power of the Marcos dynasty, pose on 1Sambayan the responsibility to continue with its original mission of unifying non-administration candidates into a single slate, mobilizing the broadest range of forces, and inspiring voters to defeat the Duterte and Marcos candidates in 2022.” pahayag ng mga kasaping miyembro ng 1Sambayan.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pagkabahala ang ilang mga kasaping grupo ng 1Sambayan kaugnay sa pagpili at pag-endorso kay Vice President Leni Robredo bilang kandidato sa pagkapangulo na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa nagpapahayag ng intensyon.

Bahagi ng pagkabahala ng mga kasaping grupo ng 1Sambayan ay ang maisantabi ang tunay na layunin ng kuwalisyon na mapag-isa ang lahat para sa kinabukasan ng bansa.

“It is in this spirit that we express serious concern that the selection and endorsement by 1Sambayan of any presidential candidate at this time is premature and will hinder rather than help in attaining this primary objective.” Dagdag pa ng mga kasaping grupo ng 1Sambayan.

Paliwanag ng grupo, mas naaangkop na magdesisyon ang 1Sambayan sa kung sino ang kandidato na iendorso matapos ang paghahain ng kandidatura upang higit na magkaroon ng mas malinaw na pagsusuri sa mga dapat na gawing hakbang upang maisakatuparan ang misyon ng kuwalisyon.

Sa ganitong paraan ayon sa Promotion of Church People’s Response at sa iba pang mga grupo ay mas mabibiyan rin ng pagkakataon si Vice President Robredo ng gampanan ang kanyang kasalukuyang tungkulin bilang bise presidente at lider ng oposisyon na mapagkaisa ang lahat laban sa banta ng pagbabalik ng mga Duterte at Marcos sa posisyon at kapangyarihan.

“We had expressed on occasion that it would be best for 1Sambayan to make a decision on the endorsement after the period of filing of certificates of candidacy. By then we would have a clearer picture of who are running. This would also allow all unification efforts, including VP Robredo’s, to proceed unhampered.” Ayon pa sa mga kasaping grupo ng 1Sambayan.

Layunin ng 1Sambayan na maisulong ang pagkakaisa ng iba’t-ibang mga grupo at sektor upang manindigan kung sino ang mga nararapat na mga opisyal na makabubuti para sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 33,716 total reads

 33,716 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 64,988 total reads

 64,988 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 142,797 total reads

 142,797 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,025 total reads

 237,025 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,273 total reads

 296,273 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,411 total reads

 22,411 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top