Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, naging maingay ang balita tungkol sa pag-apruba ng pamahalaan sa pagpapatayo ng Pasig River Expressway (o PAREX).

Tama po ang narinig ninyo: maglalagay ng expressway sa ibabaw ng Ilog Pasig, ang pangunahing daluyan ng tubig sa Metro Manila. Nagkakahalaga ang proyekto ng 95 bilyong piso, at ipatatayo at popondohan ito ng San Miguel Corporation. Hindi bababa sa 19 na kilometro ang haba ng PAREX, na magkokonekta sa mga lungsod ng Maynila at Pasig. Gaya ng anumang imprastrakturang katulad ng mga expressway, iginigiit ng mga nagsusulong ng PAREX na solusyon ito sa malala pa ring problema natin sa trapiko. Lilinisin din daw nito ang naghihingalo nang ilog.

Mabilis namang umalma ang maraming grupong nakikitang banta ang ganitong proyekto hindi lamang sa kalikasan kundi pati sa tinatawag na heritage preservation. Ang grupong Move As One Coalition ay matagal nang naglabas ng isang petisyon upang hindi ituloy ang PAREX. Dahil highway ang proyekto, mas maeengganyo raw nito ang paggamit ng mga sasakyan, na magdadagdag ng polusyon sa hangin. Kaugnay nito, ang mas makikinabang lamang daw sa proyekto ay ang mga may sariling sasakyan. At dahil sa tone-toneladang konkretong gagamitin para sa PAREX, sisipsip ito ng init mula sa araw, na magbubunga naman ng tinatawag na urban heat island effect o pag-ipon ng init sa ating lungsod. Dagdag pa ng koalisyon, sa ibang bansa nga raw, kabaligtaran ang ginagawa: ginigiba ang malalaking imprastraktura sa gilid ng mga ilog upang bigyang-prayoridad ang panunumbalik ng kalikasan at mga lugar na pinahahalagahan natin ang kasaysayan o mga heritage sites. Para sa Move As One Coalition, mas malaki ang pinsala kaysa sa pakinabang na dala ang PAREX. Giit nila, problema ang PAREX, hindi solusyon.

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, sinabi ni Pope Francis na malaki ang ugnayan ng ating dignidad at ng ating kapaligiran. Kasabay ng paglaki at paglawak ng mga masisikip at nakasusulasok na lungsod, nagiging unhealthy o hindi na malusog ang mamuhay sa mga ito. Hindi ito mabuti sa ating dignidad. Sabi pa ng Santo Papa, ang tao ay hindi nilikha upang malunod sa semento, aspalto, at bakal. Hindi tayo dapat napagkakaitan ng pisikal na ugnayan sa kalikasan—sa mga puno, halaman, malinis na hangin, at mga anyong-tubig katulad ng ilog, kahit pa nasa lungsod tayo.

Kung may nakatayong konkretong highway sa ibabaw ng Ilog Pasig, posible ba ang ugnayang binabanggit ni Pope Francis?

Binibigyang-diin pa sa Laudato Si’ na kasama sa pagtatatag ng tinatawag na habitable city o isang lungsod na mapapanahanan ang pangangalaga sa kasaysayan at kulturang nakapaloob sa isang lugar. Samakatuwid, ang pangangalaga sa ekolohiya ng isang lugar ay hindi lamang nakatuon sa mga buháy na bahagi nito kundi pati sa kayamanang kultural na dala-dala nito mula sa mga nagdaang panahon.

Kung tatakpan ng expressway ang malaking bahagi ng Ilog Pasig, mananatili ba sa ating alaala ang papel na ginampanan nito sa ating kasaysayan at sa pag-usbong ng mga lungsod na nakasalalay dito?

Isang napakalaking konkretong gubat ang Metro Manila, ngunit tila ba hindi pa kontento ang malalaking negosyo hangga’t hindi nila natatabunan ng semento at mapagkakakitaan ang mga natitirang espasyo rito. Sabi nga sa Mga Awit 24:1, “ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari’y si Yahweh na ating Panginoon” ngunit ang ating ugnayan sa kalikasan at ang responsibilidad na iniatang sa atin upang pangasiwaan ito ay sinisira ng kasalanan ng kasakiman.

Mga Kapanalig, hindi lamang mga malalaking imprastraktura ang tanda ng kaunlaran ng isang bayan. Ang tunay na kaunlaran ay dapat na para sa lahat—walang naiiwanan, walang napipinsala kahit pa ang kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 1,317 total reads

 1,317 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 7,713 total reads

 7,713 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 45,093 total reads

 45,093 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 76,364 total reads

 76,364 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 153,415 total reads

 153,415 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 247,271 total reads

 247,271 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Halimbawa sa taumbayan

 7,714 total reads

 7,714 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 45,094 total reads

 45,094 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 76,365 total reads

 76,365 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 153,416 total reads

 153,416 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »
Scroll to Top