Botante, hinimok ng Obispo na tiyaking tapat sa pamilya ang ibobotong kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total reads

Ang usapin ng pamilya ay usapin din sa politika.

Ito ang ibinahagi ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay sa pagiging ‘basic unit of society’ ng pamilya na kinakailangan para sa pagkakaroon ng isang matatag na lipunan.

Ayon kay Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity dapat na kabilang sa mga suriin ng botante sa mga kandidato sa darating na halalan ay ang estado at pagiging tapat sa kanilang pamilya.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga ring suriin ng mga botante ang paninindigan ng mga kandidato sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino.

“Ngayong mag-eeleksyon na, isa sa mga pagsusuri natin sa mga kandidato ay paano ba ang pamilya niya? Kung hindi siya tapat sa kanyang pamilya, magiging tapat ba siya sa kanyang mga pangako? Ano ang paninindigan niya sa pagpapatatag ng pamilya? The family is the basic unit of society. Kapag malakas ang basic unit natin, makakaasa tayo ng matatag na lipunan. Kaya ang usapin ng pamilya ay usapin din sa politika.” panawagan pagninilay ni Bishop Pabillo.

Una ng nagpahayag ng pagkabahala si Bishop Pabillo sa ginagawang hakbang ng mga mambabatas na sa halip na palakasin pa ang pundasyon ng pamilya ay nais pa itong pahinain at buwagin sa pamamagitan ng pasusulong ng divorce law sa bansa.

Pagbabahagi ng Obispo, ang divorce ay maaaring makapagdulot ng kaguluhan sa lipunan kung saan malaki ang epekto ng paghihiwalay ng mag-asawa sa mga anak na nagdudulot ng pang-matagalang paghihirap at pagdurusa sa mga kabataan.

“Alam naman natin ang nangyayari sa ibang mga bansa dahil sa divorce. Hindi naman napatatag ang pamilya. Mas maraming naghihiwalay, mas maraming mga kababaihan at mga bata ang nadadala sa kahirapan sa buhay. Malaki ang epekto ng paghihiwalay ng mag-asawa sa mga anak. Mas gumugulo ang lipunan dahil sa divorce, kasi kung mahina ang pamilya, humihina rin ang lipunan.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Giit ng Obispo, mahalagang maibalik muli ang bawat pamilya sa piling ng Diyos sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal at pagbabasa ng Bibliya bilang gabay ng Kristiyanong mag-anak.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,095 total reads

 77,095 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,342 total reads

 155,342 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,789 total reads

 188,789 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,086 total reads

 224,086 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,530 total reads

 447,530 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top