VeritasPH

The Word, The Truth

 183 total views

Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, naging maingay ang balita tungkol sa pag-apruba ng pamahalaan sa pagpapatayo ng Pasig River Expressway (o PAREX).

Tama po ang narinig ninyo: maglalagay ng expressway sa ibabaw ng Ilog Pasig, ang pangunahing daluyan ng tubig sa Metro Manila. Nagkakahalaga ang proyekto ng 95 bilyong piso, at ipatatayo at popondohan ito ng San Miguel Corporation. Hindi bababa sa 19 na kilometro ang haba ng PAREX, na magkokonekta sa mga lungsod ng Maynila at Pasig. Gaya ng anumang imprastrakturang katulad ng mga expressway, iginigiit ng mga nagsusulong ng PAREX na solusyon ito sa malala pa ring problema natin sa trapiko. Lilinisin din daw nito ang naghihingalo nang ilog.

Mabilis namang umalma ang maraming grupong nakikitang banta ang ganitong proyekto hindi lamang sa kalikasan kundi pati sa tinatawag na heritage preservation. Ang grupong Move As One Coalition ay matagal nang naglabas ng isang petisyon upang hindi ituloy ang PAREX. Dahil highway ang proyekto, mas maeengganyo raw nito ang paggamit ng mga sasakyan, na magdadagdag ng polusyon sa hangin. Kaugnay nito, ang mas makikinabang lamang daw sa proyekto ay ang mga may sariling sasakyan. At dahil sa tone-toneladang konkretong gagamitin para sa PAREX, sisipsip ito ng init mula sa araw, na magbubunga naman ng tinatawag na urban heat island effect o pag-ipon ng init sa ating lungsod. Dagdag pa ng koalisyon, sa ibang bansa nga raw, kabaligtaran ang ginagawa: ginigiba ang malalaking imprastraktura sa gilid ng mga ilog upang bigyang-prayoridad ang panunumbalik ng kalikasan at mga lugar na pinahahalagahan natin ang kasaysayan o mga heritage sites. Para sa Move As One Coalition, mas malaki ang pinsala kaysa sa pakinabang na dala ang PAREX. Giit nila, problema ang PAREX, hindi solusyon.

Sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’, sinabi ni Pope Francis na malaki ang ugnayan ng ating dignidad at ng ating kapaligiran. Kasabay ng paglaki at paglawak ng mga masisikip at nakasusulasok na lungsod, nagiging unhealthy o hindi na malusog ang mamuhay sa mga ito. Hindi ito mabuti sa ating dignidad. Sabi pa ng Santo Papa, ang tao ay hindi nilikha upang malunod sa semento, aspalto, at bakal. Hindi tayo dapat napagkakaitan ng pisikal na ugnayan sa kalikasan—sa mga puno, halaman, malinis na hangin, at mga anyong-tubig katulad ng ilog, kahit pa nasa lungsod tayo.

Kung may nakatayong konkretong highway sa ibabaw ng Ilog Pasig, posible ba ang ugnayang binabanggit ni Pope Francis?

Binibigyang-diin pa sa Laudato Si’ na kasama sa pagtatatag ng tinatawag na habitable city o isang lungsod na mapapanahanan ang pangangalaga sa kasaysayan at kulturang nakapaloob sa isang lugar. Samakatuwid, ang pangangalaga sa ekolohiya ng isang lugar ay hindi lamang nakatuon sa mga buháy na bahagi nito kundi pati sa kayamanang kultural na dala-dala nito mula sa mga nagdaang panahon.

Kung tatakpan ng expressway ang malaking bahagi ng Ilog Pasig, mananatili ba sa ating alaala ang papel na ginampanan nito sa ating kasaysayan at sa pag-usbong ng mga lungsod na nakasalalay dito?

Isang napakalaking konkretong gubat ang Metro Manila, ngunit tila ba hindi pa kontento ang malalaking negosyo hangga’t hindi nila natatabunan ng semento at mapagkakakitaan ang mga natitirang espasyo rito. Sabi nga sa Mga Awit 24:1, “ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari’y si Yahweh na ating Panginoon” ngunit ang ating ugnayan sa kalikasan at ang responsibilidad na iniatang sa atin upang pangasiwaan ito ay sinisira ng kasalanan ng kasakiman.

Mga Kapanalig, hindi lamang mga malalaking imprastraktura ang tanda ng kaunlaran ng isang bayan. Ang tunay na kaunlaran ay dapat na para sa lahat—walang naiiwanan, walang napipinsala kahit pa ang kalikasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 4,430 total views

 4,430 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 10,187 total views

 10,187 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 17,450 total views

 17,450 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 25,435 total views

 25,435 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 32,971 total views

 32,971 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 4,431 total views

 4,431 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 10,188 total views

 10,188 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 17,451 total views

 17,451 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 25,436 total views

 25,436 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 32,972 total views

 32,972 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,851 total views

 46,851 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,893 total views

 54,893 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,450 total views

 46,450 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,875 total views

 44,875 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,661 total views

 46,661 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,586 total views

 43,586 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,900 total views

 57,900 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,590 total views

 61,590 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,193 total views

 60,193 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,180 total views

 70,180 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top