Squid Games, Philippine Style

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total reads

Kapanalig, may Squid Games din tayo sa ating bansa. Kung hindi nyo pa naririnig ito, ang Squid Games ay isang palabas na nagpapakita ng isang deadly game para sa malaking halaga ng pera. Pag natalo ka, ikakamatay mo ito.

Dito nga lamang sa ating bayan, ang mga kalahok sa laro ay laging nagtatagumpay, at ang mga nakatayang buhay ay ang mga buhay natin—tayong mga ordinaryong Filipino, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Umiinit na nga ang squid games sa ating bayan ngayon. Papalapit na kasi ang eleksyon. Tayo naman, nagkakandarapa magparehistro. Nakita kasi natin na ang maling pagboto ay katumbas pala ng buhay mo. Kaya lamang kapanalig, hindi lamang dapat tayo tumutok sa pagboto. Maraming taktika ang ating players ngayon para malinlang tayo.

Isa dito ay ang pag-gamit ng substitution rule. Nakita natin noong nakaraang mga taon kung paano nagamit ito. Kahit ilang beses na sinabi na hindi siya tatakbo noong halalan 2016, tumayong substitute candidate ang kasalukyang Pangulo sa umatras na kandidato ng PDP-Laban presidential candidate noon na si Martin Diño.  Hindi man sagarang pangloloko, maaninag natin na may element of mischief dito kasi nababaluktok ang ispiritu o esensya ng substitution rule.

Isa pang taktika, kapanalig, na kumbaga sa volleyball, ay substitution din, ay ang walang kamatayang political dynasties sa bansa. Ang political dynasty ay ang pagmo-monopoliya ng kapangyarihan ng mga pamilyang nasa politika, ang pagtrato nito na akala mo ay pag-aari na nila ang mga pwesto. Ayon nga sa isang pag-aaral ng Ateneo School of Government, sa nakaarang mahigit tatlumpung taon, tumaba ng tumaba ang mga political dynasties sa bansa. Sa lahat ng lokal na posisyon, tumaas mula 19%  noong 1988 tungo sa 29% noong 2017 ang mga political dynasties sa bansa.

Kapanalig, sayang naman ang boto natin kung sa kahuli-hulihan, walang pagbabago. Ayon nga sa isang pag-aaral, kapag naglilipana ang dinastiya, patuloy ang kahirapan, hindi pagkakapantay-pantay, at ang korupsyon sa ating lipunan. Kung patuloy ang dinastiya, makikita natin, pagkatapos ng tatay mamuno, asawa naman niya, pagkatapos ng asawa niya, anak naman niya. At hindi na nakutento, hindi na lang relyebo o substitution ang ginagawa. Ang tatay magiging gobernador na, nanay ang mayor, at ang anak vice mayor o kagawad.

Kapanalig, deadly ang political games ng ating mga lider, at ang buhay natin ang nakataya. Pero, nasa kamay din natin ang kanilang pagkatalo. Mahalaga na mamulat ang ating mga mata at kumilos ng akma. Sabi nga sa Mater et Magistra, ang tao ang pundasyon, ang dahilan, at ang magwawakas ng lahat ng institusyong panlipunan. Gamitin sana natin ng tama ang mumunting kapangyarihang nasa ating mga kamay.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,661 total reads

 73,661 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,162 total reads

 152,162 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,610 total reads

 185,610 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,907 total reads

 220,907 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,450 total reads

 444,450 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 73,662 total reads

 73,662 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,163 total reads

 152,163 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,611 total reads

 185,611 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,908 total reads

 220,908 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top