Ipanalangin ang mga nagdurusa dulot ng COVID 19, apela ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 464 total views

Ipinalangin ang mga nahihirapan at nagdurusa dahil sa patuloy na krisis na dulot ng pandemya.

Ito ang panawagan ni Legazpi Bishop Joel Baylon – Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa regular na online program ng komisyon na “Narito Ako, Kaibigan Mo!” kaugnay sa patuloy na epekto sa bawat isa ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Obispo, bukod sa pananalangin para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng lahat ng mga nasawi ay mahalaga ring ipanalangin ang katatagan ng loob ng mga pamilyang nagluluksa dahil sa pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa sakit.

Hinikayat rin ni Bishop Baylon ang bawat isa na patuloy na ipanalangin na tuluyan ng mawakasan ang pagkalat ng COVID-19 virus sa buong daigdig na nagdudulot ng malawak na epekto sa buhay at paraan ng pamumuhay ng bawat isa.

“Ipagdasal natin yung mga pumanaw dahil sa sakit na ito at saka yung pamilyang nagluluksa, nagdadalamhati dahil nawalan sila ng mahal sa buhay, and we pray for those who continue to be struggling with this pandemic virus.” Ang bahagi ng mensahe ni Legazpi Bishop Joel Baylon.

Ibinahagi naman ng Obispo ang bahagyang pagbabawas sa kapasidad ng mga maaring pumasok sa mga Simbahan sa Legazpi City bilang patuloy na pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 virus sa syudad.

Paliwanag ni Bishop Baylon, mula sa regular na 50-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan ay ipinaubaya na ng local-IATF sa mga opisyal ng bawat bayan at lokal na pamahalaan ang pagtatakda ng kapasidad na maaring personal na makibahagi sa mga banal na liturhiya sa mga Simbahan.

“Medyo binawasan ng konte yung bilang [ng capacity sa Simbahan] dati dati matagal na kaming 50% although hindi naman talaga umaabot dyan ang number ng nagsisimba talagang patuloy pa ring conscious yung mga tao na mag-ingat lalong lalo na yung mga senior citizens saka yung mga bata talaga, as much as we could we ask the parents to don’t bring them to church pero again dahil nga mas nag-spike ang number ng cases dito ay nag-instruction na rin ang IATF medyo ibinaba ng LGUs ang numbers ng pwedeng pumasok sa Simbahan, 30% to 50% depende sa bayan, depende sa LGU” Dagdag pa ni Bishop Bayon.

Inihayag naman ng Obispo ang patuloy na vaccination program sa syudad na naglalayong higit na maprotektahan ang bawat isa mula sa malalang epekto ng virus.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health umaabot na sa mahigit 2.6 na milyon ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa kung saan sa bilang na ito aabot na sa halos 39-na libo ang nasawi habang patuloy naman ang programa sa pagbabakuna ng pamahalaan upang makamit ang herd immunity mula sa virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 24,407 total views

 24,407 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 148,818 total views

 148,818 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 191,783 total views

 191,783 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 271,383 total views

 271,383 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top