Maging “feel at home”, misyon ng Simbahan sa mga mahihirap at nangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 339 total reads

Isang misyon at patuloy na sinisikap ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na maging “feel at home” ang mga mahihirap at nangangailangan.

Ito ang binigyang diin ni Nassa/Caritas Philippines chairman Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa isinasagawang ika-38 National Social Action General Assembly o NASAGA 2016 sa Archdiocese of Palo, lalawigan ng Leyte.

Ayon kay Archbishop Tirona, ang misyon ng mga Social Action ng Simbahan sa Pilipinas ay tugon sa hamon ng ating pananampalataya na maglingkod at magmalasakit sa kapwa kung saan sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ay natututugunan ng Simbahang Katolika ang mga suliranin ng mga mahihirap,naabuso at nangangailangan ng pagkalinga.

Sinabi ng Arsobispo na kasabay ng pagdiriwang ng Simbahan ng taon ng “awa at habag o “mercy and compassion” ay mas higit pang palalakasin ng Nassa/Caritas Philippines ang tungkulin na ito sa patnubay ng Panginoon.

“Ang mensahe ng pagdiriwang na ito ay isang malaking biyaya para sa Simbahan sa Pilipinas. Ang NASSA ay patuloy sa pagtanggap ng mga hamon para labanan ang kahirapan, puksain ang problema sa HIV, labanan ang malnourishment, human trafficking at tulungan ang mga kababayan natin na maging resilient o maging matatag sa pamamagitan ng self-help group o micro finance at marami pang mga programa. Ang utos na ito ay mula sa Panginoon Hesu-Kristo lalo na ngayong panahon ng compassion and mercy dapat ipakita natin ang malasakit ng Diyos sa pamamagitan ng mapagmalasakit na pagkilos,”pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam ng Radio Veritas.

Kasabay ng ika-38 National Social Action General Assembly ay ipinagdiriwang din ang ika-50 taon na pagkakatatag ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace sa Pilipinas, ang tanggapan ng Simbahan na namamahala sa mga gawain para sa mga mahihirap at nangangailangan.

Ang 85-Diyosesis at Arkidiyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ay may aktibong Social Action Program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,454 total reads

 78,454 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,093 total reads

 126,093 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,964 total reads

 173,964 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,912 total reads

 277,912 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,366 total reads

 360,366 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 113,145 total reads

 113,145 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top