144 total views
Inihayag ni Sister Zeny Cabrera, program coordinator ng Archdiocese of Manila Restorative Justice Ministry na palulutangin sa SANLAKBAY Para sa Pagbabagong Buhay program ang kahalagahan ng buhay.
Binigyan diin ni Sr. Cabrera na anuman ang katayuan o kalagayan ng isang indibidwal ay dapat pahalagahan ang kanyang buhay at hindi basta na lamang kitilin.
Iginiit ng Madre na mahalagang aspeto din ang pamilya upang maayos na maipakilala sa bawat indibidwal ang kasagraduhan ng buhay.
Umaabot na sa 40 ang mga drug surrenderers na nakilahok sa SANLAKBAY Para sa Pagbabagong Buhay Community based rehabilitation program ng Archdiocese of Manila.
Inaasahan ng Madre na aabot ng 160 o mahigit pa na drug surrenderers ang sasailalim sa Sanlakbay program sa mga darating na araw.
Layon ng parish community based rehabilitation program na pagsamahin ang lahat ng resources ng parish community para gabayan ang mga drug dependents sa kanilang paglalakbay patungo sa healing,restoration at rehabilitation.
Tutugunan ng programa ang psycho-spiritual-educational dimension ng holistic rehabilitation program.
Makikipag-ugnayan ang SANLAKBAY sa mga local government units partikular sa mga Barangay upang makumpleto ang lahat ng legal requirements sa implementasyon ng rehabilitation process.
Lubos naman ang pasasalamat ni Sister Cabrera sa mga bumubuo sa sanlakbay program at mga tumalima sa pagtawag ng Panginoon.