Maging “feel at home”, misyon ng Simbahan sa mga mahihirap at nangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 302 total views

Isang misyon at patuloy na sinisikap ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na maging “feel at home” ang mga mahihirap at nangangailangan.

Ito ang binigyang diin ni Nassa/Caritas Philippines chairman Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa isinasagawang ika-38 National Social Action General Assembly o NASAGA 2016 sa Archdiocese of Palo, lalawigan ng Leyte.

Ayon kay Archbishop Tirona, ang misyon ng mga Social Action ng Simbahan sa Pilipinas ay tugon sa hamon ng ating pananampalataya na maglingkod at magmalasakit sa kapwa kung saan sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa ay natututugunan ng Simbahang Katolika ang mga suliranin ng mga mahihirap,naabuso at nangangailangan ng pagkalinga.

Sinabi ng Arsobispo na kasabay ng pagdiriwang ng Simbahan ng taon ng “awa at habag o “mercy and compassion” ay mas higit pang palalakasin ng Nassa/Caritas Philippines ang tungkulin na ito sa patnubay ng Panginoon.

“Ang mensahe ng pagdiriwang na ito ay isang malaking biyaya para sa Simbahan sa Pilipinas. Ang NASSA ay patuloy sa pagtanggap ng mga hamon para labanan ang kahirapan, puksain ang problema sa HIV, labanan ang malnourishment, human trafficking at tulungan ang mga kababayan natin na maging resilient o maging matatag sa pamamagitan ng self-help group o micro finance at marami pang mga programa. Ang utos na ito ay mula sa Panginoon Hesu-Kristo lalo na ngayong panahon ng compassion and mercy dapat ipakita natin ang malasakit ng Diyos sa pamamagitan ng mapagmalasakit na pagkilos,”pahayag ni Archbishop Tirona sa panayam ng Radio Veritas.

Kasabay ng ika-38 National Social Action General Assembly ay ipinagdiriwang din ang ika-50 taon na pagkakatatag ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace sa Pilipinas, ang tanggapan ng Simbahan na namamahala sa mga gawain para sa mga mahihirap at nangangailangan.

Ang 85-Diyosesis at Arkidiyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas ay may aktibong Social Action Program.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 26,840 total views

 26,840 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,191 total views

 55,191 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 122,921 total views

 122,921 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 146,072 total views

 146,072 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,292 total views

 214,292 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 92,289 total views

 92,289 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top