Simbahan sa Archdiocese of Nueva Segovia, binuksan sa mga evacuees ng Bagyong Maring

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 885 total reads

Bukas ang mga simbahan sa Archdiocese of Nueva Segovia sa mga apektado ng pagbaha dulot ng bagyong Maring.

Inihayag Fr. Danilo Martinez, Social Action Director ng Archdiocese of Nueva Segovia at Parish Priest ng Our Lady of Hope Parish sa bayan ng Caoayan, Ilocos Sur na nakipag-ugnayan siya sa kanilang alkalde na maaaring ang simbahan bilang evacuation center ng mga residenteng nagsilikas sa kanilang mga tahanan.

“Nag-aantay din kami ng mga evacuees kasi I asked the Mayor if they need some place for evacuation pwede ang simbahan,” pahayag ni Fr. Martinez sa Radio Veritas.

Kasabay nito, umaapela ng panalangin at pagtulong si Fr. Martinez matapos na maapektuhan ng pagbaha ang malaking bahagi ng Ilocos Sur dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.

Ayon kay Fr. Martinez, lubog sa malalim na baha ang ilang mga bayan partikular na ang mga malapit sa dagat habang isang tulay ang nasira at hindi madaanan dahilan upang hindi mapasok ang kanilang lalawigan hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ni Fr. Martinez na sinisikap nilang makipag-ugnayan sa ibang mga simbahan at parokya bagamat apektado din ng bagyo ang kanilang elektrisidad at mga linya ng komunikasyon.

“Lubog sa baha ang karamihan ng mga bayan tapos na-cut din ang national highway dahil sa isang nasirang tulay part ng Sta. Cruz, Ilocos Sur, may malaking river doon kaya not passable siya ngayon papunta ng Manila. Siguro until tomorrow we can do our initial report, almost 24 hours na kaming walang kuryente,” pahayag ni Fr. Martinez sa panayam ng Radyo Veritas.

Tiniyak ni Fr. Martinez na sisikapin ng Arkidiyosesis at ng tanggapan ng Caritas Nueva Segovia na agad makaagapay sa pangangailangan ng mga apektadong residente kaya’t umaapela din sila ng pagtulong mula sa mga mananampalataya.

“Nagre-request na din kami ng mga tulong para makatulong tayo sa mga apektado ng bagyo nabigla ang lahat we didn’t expect na ganito kalakas,” dagdag pa ni Fr. Matinez.

Sa kasalukuyan ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Maring ngunit nag-iwan ito ng pinsala sa ilang mga arkdiyosesis at diyosesis sa Northern Luzon partikular na sa Cagayan, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Benguet.

Patuloy naman sinisikap ng mga Social Action at Caritas Network sa bahagi ng Simbahang Katolika na magsagawa ng rapid assessment at posibilidad ng agarang pagtulong.

Para sa mga tulong o donasyon sa Archdiocese of Nueva Segovia, maaaring magpadala thru Gcash sa numerong 09175811015 o kaya ay makipag-ugnayan sa tanggapan o Facebook page ng Caritas Nueva Segovia.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,247 total reads

 2,247 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,210 total reads

 4,210 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,277 total reads

 12,277 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 49,655 total reads

 49,655 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 80,926 total reads

 80,926 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 157,691 total reads

 157,691 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,340 total reads

 251,340 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,196 total reads

 100,196 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top