Pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo sa Undas, ipinag-utos ni Bishop Baylon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 662 total views

Pansamantalang isasara ng Diocese of Legazpi ang mga Catholic Cemeteries sa diyosesis bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 virus sa probinsya sa paggunita ng Undas.

Nasasaad sa Diocesan Circular No. 24, series of 2021 ni Legazpi Bishop Joel Baylon ang pansamantalang pagsasara ng mga Catholic Cemeteries sa diyosesis mula ika-30 ng Oktubre hanggang ikatlo ng Nobyembre, 2021 maliban na lamang para sa mga burial rites.

Ayon sa Obispo, ang hakbang ay tugon ng diyosesis upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.

“Since the COVID-19 cases in our province are still alarming, I deem it prudent to implement the closure of all the catholic cementeries in the diocese from October 30 until November 3, 2021, execpt of course for the burial.” Ang bahagi ng pahayag ni Legazpi Bishop Joel Baylon.
Ipinaliwanag ni Bishop Baylon na ngayon pa lamang ay maari ng bisitahin ng mga mananampalataya ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay bago pa man ang nakatakdang pagsasara ng mga Catholic Cemeteries sa diyosesis.

Gayunpaman, binigyang diin ng Obispo na kinakailangan pa ring iwasan ang mass gathering sa maagang pagbisita sa mga semeteryo upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 virus.

Kaugnay nito, bahagi ng sirkular ni Bishop Baylon ay ang pakikiusap sa pamunuan at mga tagapangasiwa ng mga Catholic Cemeteries sa diyosesis na agad na magsagawa ng paglilinis at paghahanda para sa maagang pagbisita ng mga mananampalataya sa kanilang mga punaw na mahal sa buhay sa mga sementeryo.

“The Catholic faithful who wish to visit their departed loved ones are encouraged to go to the cemeteries outside these dates. I highly advise that visits must not be done in groups to avoid congregating in the cemeteries. Just like last year, I am requesting the Pastors and Persons-in-Charge of the cemetery management to clean and prepare the cemeteries as soon as possible.” Dagdag pa ni Bishop Baylon.

Samantala, pinaalalahanan rin ni Bishop Baylon ang mga Pari na tanging sa mga Simbahan lamang maaring magsagawa ng mga pastoral services para sa papalapit na Undas upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Bukod dito muli ring ipinag-utos ng Obispo sa bawat parokya sa diyosesis ang paghahanda ng mga kopya ng Novena Prayer for the Dead upang maipamahagi at magamit ng mga mananampalataya sa nalalapit na paggunita ng All Saints at All Souls Day.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 78,862 total views

 78,862 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 109,085 total views

 109,085 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 135,735 total views

 135,735 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 230,708 total views

 230,708 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 246,588 total views

 246,588 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top