Lahat ng Church parishes at munting komunidad, magtitipon-tipon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 727 total reads

Inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na magtitipon ang mga parokya at munting komunidad sa iisang hangaring maibahagi ang kalagayan ng simbahan sa lipunan.

Ito ang mensahe ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles sa paglulunsad ng pre-synodal consultations sa Pilipinas sa October 17, 2021.

Ipinaliwanag ng arsobispo hindi ito pangkaraniwang pagtitipon kundi isang mahalagang paglalakbay ng sama-sama tungo sa maunlad na misyon ng simbahan.

“We will gather together in small circles in parishes, schools and basic ecclesial communities to pray together and ask the Spirit to lend us His eyes and mind and heart. We will look at two landscapes not with our eyes but with the eyes of the Lord,” ayon kay Archbishop Valles.

Kabilang sa tatalakayin sa diocesan level ang paksang ‘How is our Church within?’ na layong malaman ang tunay na kalagayan ng simbahan sa komunidad o ang mga parokya at ang ‘How is the Church together with the entire human family?’.

Batid ni Archbishop Valles ang iba’t ibang hamong kinakaharap ng simbahan sa paglipas ng panahon kabilang na rito ang usapin ng pang-aabuso na kinasangkutan ng mga lingkod ng simbahan, financial scandals, at iba pang mahahalagang usapin na dapat tugunan.

“In looking at the Church from the inside and looking at the Church with the entire human family, we cannot ignore the signs of our times,” saad ng arsobispo.

Binigyang pansin din ng pangulo ng CBCP ang ‘biblican inspirations’ ng simbahan: si Jesus na tagapagdala ng Mabuting Balita; ang mananampalatayang humihingi ng kaligtasan; at ang mga apostol na naging daan upang makilala si Jesus ng sangkatauhan.

Tiniyak ng arsobispo ang pakikinig sa mga ibabahagi ng komunidad sa isasagawang pre-synodal consultations upang maipaabot at tatalakayin sa pagpupulong ng mga obispo sa buong daigdig sa October 2023.

Kaugnay dito inaasahang matatapos ang diocesan level ng sinodo sa February 11, 2022 at makapagsumite ng dokumento ang bawat diyosesis sa CBCP.

Itinakda naman sa March 7 – 9, 2022 ang national level ng pre-synodal consultations upang pagsama-samahin ang mga report na isusumite sa Synod Office ng Vatican sa Abril 2022.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 57,976 total reads

 57,976 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,164 total reads

 137,164 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,609 total reads

 170,609 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 205,907 total reads

 205,907 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,084 total reads

 430,084 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top