Diocese of Baguio, humiling ng panalangin ng kaligtasan sa epekto ng bagyong Maring

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 529 total views

Humihiling ng panalangin ang Diyosesis ng Baguio para sa patuloy na kaligtasan laban sa nararanasang sama ng panahong dulot ng bagyong Maring.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Baguio Social Action Director Fr. Noli Panayo, sinabi nito na kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng Signal Number 1 ang lalawigan ng Benguet kaya’t patuloy na nararanasan ang mga pag-uulan maging ang pagbaha.

Ayon sa pari, may ilang kalsada sa lalawigan ang hindi madaanan dahil sa landslides.

“As of now, ‘yung kalsada na papuntang Halcema Highway ay still closed due to landslides sa municipality of Atok, Benguet,” pahayag ni Fr. Panayo sa Radio Veritas.

Samantala, may ilang tahanan din ang natabunan ng landslides partikular na sa bahagi ng Dominacan-Mirador Hill sa Baguio City kung saan tatlong katao ang kasalukuyan pang hinahanap.

Habang naiulat naman mula sa Barangay Central Ambiong sa La Trinidad ang tatlong bata na nasawi matapos ding matabunan ng landslide.

“May mga natabunan na bahay dito po sa may Dominican hill, malapit doon sa Mirador hill. ‘Yung isang member of the family na-rescue naman. Safe na siya pero ‘yung tatlo, isang lolo at dalawang apo ay still missing. Pero on-going na ‘yung search and rescue operations… Doon naman sa may Barangay Central Ambiong, tatlo yung namatay na bata. And we still have to confirm ito and pupuntahan natin ito later.” ayon kay Fr. Panayo.

Sa kasalukuyan, patuloy pang nangangalap ng datos ang Diyosesis at lokal na pamahalaan para sa kabuuang bilang ng mga naapektuhang pamilya at mga nasirang ari-arian..

Hinihiling naman si Fr. Panayo na patuloy nawang isama sa panalangin ang kaligtasan ng bawat isa lalo na ang mga lubos na apektado ng bagyong Maring.

“Let’s continue to pray for one another. I ask everyone to please pray for us here in the Diocese of Baguio, especially those who were badly affected by this typhoon Maring,” saad ng pari.

Batay sa unang ulat, maliban sa mga pag-ulan, ang pagpapakawala ng tubig mula sa Ambuklao at Binga dam sa Benguet ang dahilan ng nararanasang pagbaha sa lalawigan partikular na sa Baguio City at La Trinidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 78,832 total views

 78,832 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 109,055 total views

 109,055 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 135,705 total views

 135,705 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 230,678 total views

 230,678 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 246,561 total views

 246,561 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top