14 na parokya ng Archdiocese of Tuguegarao, naapektuhan ng bagyong Maring. Luzon Bishops, umaapela ng panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 823 total reads

Ilang mga lugar sa hilaga at kanluran ng Archdiocese of Tuguegarao ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Maring.

Ayon kay Rev. Fr. Andy Semana, Social Action Director ng Arkidiyosesis, tinatayang nasa 14 na Parokya ang napinsala ng bagyo bagamat hinihintay pa nila ang mga datos mula mismo sa mga kaparian ng mga apektadong munisipalidad.

“May mga initial report kami na nakuha na ang Sta. Ana, Gonzaga, Sta. Teresita including Baggao ay binaha then yung papuntang Ilocos ang Abulog, Aparri ang Sanchez Lira at Claveria ay affected din daw naghihitnay kami ng concrete data mula sa kanila,” pahayag ni Fr. Semana sa panayam ng Radyo Veritas.

Ipinagpapasalamat na lamang ni Fr. Semana na hindi tuluyang umapaw ang Cagayan river bagamat posible pa ring tumaas ito sa oras na bumaba na ang tubig galing sa mga lalawigan ng Nueva Viscaya at Isabela.

Sinabi ni Fr. Semana na ngayong umaga ng Martes, ika-12 ng Oktubre ay bahagya nang bumuti ang panahon sa kabisera ng Cagayan habang patuloy na nararanasan ang pabugso bugsong paghangin.

Aminado ang Pari na posibleng mangailangan ng pagtulong ang mga naapektuhan lugar kaya naman naghahanda na ang kanilang tanggapan para sa posibilidad ng agarang relief response.

“Initially ang Arsobispo natin [Archbishop Ricardo Baccay] ay naglaan na ng pondo para kung sakali mangailangan ng relief operation ay may agad tayong maibibigay sa mga pamilya,” dagdag pa ng Social Action Director ng Tuguegarao Archdiocese.

Kaugnay nito, ipinapasalamat din ni Mo. Camille Marasigan FLDP, Social Action Coordinator sa Diocese of Ilagan sa Isabela na walang naging malaking epekto ang bagyo sa kanilang nasasakupan.

Panalangin naman ang hiling ng Social Action Center ng Diocese of Baguio para sa mga naapektuhan ng pagbaha at landslide sa ilang lugar dsa Benguet Province.

Sa kasalukuyan ay patuloy na tinatahak ng Bagyong Maring ang direksyon pa-kanluran at tuluyang nang lalabas ng Philippine Area of Responsibility.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,237 total reads

 56,237 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,548 total reads

 135,548 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,993 total reads

 168,993 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,291 total reads

 204,291 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,557 total reads

 428,557 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 111,823 total reads

 111,823 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top