CBCP Commission on Mission hinimok ang mananampalataya na makilahok sa Synod of Bishops on Synodality

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 514 total reads

Binigyang-diin ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona ang kahalagahan ng pakikilahok ng mananampalataya sa isasagawang konsultasyon para sa Synod of Bishops on Synodality.

Ito ang paanyaya ng Obispo sa nakatakdang pagsisimula ng diocesan phase ng sinodo sa Pilipinas sa October 17.

Sinabi nitong higit kinakailangan ang pagbubuklod ng mamamayan tungo sa mas maunlad na Simbahan.

“Ang sama-sama nating paglalakbay ay magkakaroon ng konkretong laman sa pamamagitan ng malawakang konsultasyon na gagawin sa bawat parokya ng ating bikaryato na dapat lahukan ng iba’t ibang sektor ng Simbahan; kaya hinihiling ko po sainyo na makiisa, makilahok sa ating sama-samang paglalakbay bilang isang Simbahan,” bahagi ng paanyaya ni Bishop Mesiona.

Ang ika-16 ng Synod of Bishops na gaganapin sa October 2023 ay hinati ni Pope Francis sa tatlong bahagi ang diocesan phase, continental at universal kung saan pormal itong sinimulan noong October 10 sa paglunsad ng Santo Papa sa Vatican.

Layunin ng paghahati sa tatlong bahagi na bukod sa mga obispo ay makalalahok rin ang mga pari, religious communities at higit sa lahat ang mga layko na bumubuo sa malaking bahagdan ng simbahang katolika sa pagbalangkas ng mga dokumentong imumungkahi sa Santo Papa at tatalakayin sa pagpupulong ng mga pinunong pastol.

Paliwanag pa ni Bishop Mesiona na sa diocesan phase ng sinodo ay hinikayat ang bawat isa na maging bahagi sa paglalakbay, pagdarasal at pakikinig sa isa’t isa sa gabay ng Banal na Espiritu.

Tema ng sinodong ito ang ‘For a Synodal Church: Communion, Participation, Mission’ kung saan binigyang diin ang sama-samang paglalakbay bilang isang Simbahan.

Inaasahang makapagbalangkas ng preparatory document ang bawat diyosesis na isusumite sa Synod Office sa Vatican sa Abril 2022 bilang paghahanda sa universal Synod of Bishops sa 2023.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,847 total reads

 2,847 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,769 total reads

 4,769 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,158 total reads

 13,158 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,536 total reads

 50,536 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,807 total reads

 81,807 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,491 total reads

 158,491 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,100 total reads

 252,100 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,848 total reads

 2,848 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top