Pansariling interes ng mga lingkod-bayan, pinuna ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 555 total reads

Inaanyayahan ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples ang bawat isa na magkaroon ng pagsusuri sa sarili hindi lamang bilang indibidwal kundi bilang isang pamilya at komunidad.

Sa pagninilay ng Cardinal sa Banal na Misa sa Pontificio Collegio Filippino, binigyang-diin nito na mahalaga ang pagsusuri sa sarili upang ganap na maunawaan kung ano ang dapat bigyang prayoridad upang makarating sa nais na patutunguhan.

Ioinaliwanag ni Cardinal Tagle ang pagkakaroon ng magulong prayoridad ay isang dahilan upang mawala sa direksyon sa buhay ang isang indibidwal.

“Let us again engage in some sort of examination of self as individuals, as families, and as communities. Do we know where we are going and because we know where we are going, where we want to go, we set our priorities, we know what is important and what is not important. Kapag magkagulo-gulo na yung kung ano ba ang mahalaga o hindi mahalaga palatandaan yan na hindi alam nung tao kung saan siya pupunta o kung ano ang gusto niyang puntahan,” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Tinukoy ni Cardinal Tagle ang mga lingkod bayan na mas higit na binibigyang prayoridad ang pansariling interes sa salapi at kapangyarihan na kaya nanaig ang katiwalian sa pamahalaan.

Pinuna rin ng Cardinal ang mga mag-aaral na sa halip na gamitin sa pag-aaral ang makabagong teknolohiya tulad ng mga gadget at internet ay ginagamit lamang ito sa paglalaro na nagdudulot ng pagkawala ng prayoridad ng mga ito sa pag-aaral.

“Minsan ang hinihingi natin o kinukuha natin wala naman talagang masyadong kinalaman doon sa direksyon sa buhay. You are a public servant that’s your goal so look for wisdom to govern not to use the position for riches, that’s not governance that’s corruption. You are a student, your goal is to study, you’ve been given a computer to help you study not to spend the whole day and night with video games, you will lose your way,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Iginiit ng Cardinal na hindi dapat balewalain ng sinuman ang Salita ng Diyos sapagkat sa pamamagitan nito ay higit na mauunawaan ang plano ng Panginoon para sa buhay ng bawat isa.

“Huwag nating babalewalain ang Salita ng Diyos kung gusto nating makilala ang ating sarili, ang Salita ng Diyos ang magpapakilala sa atin kung pakikinggan natin at tatanggapin natin ng taus sa puso ang Salita ng Diyos mas makikilala natin ang ating sarili at ibabalik tayo ng Salita ng Diyos sa ating tunay na direksyon,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 59,738 total reads

 59,738 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 138,798 total reads

 138,798 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 172,243 total reads

 172,243 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 207,541 total reads

 207,541 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 431,645 total reads

 431,645 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top