Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan sa Archdiocese of Nueva Segovia, binuksan sa mga evacuees ng Bagyong Maring

SHARE THE TRUTH

 561 total views

Bukas ang mga simbahan sa Archdiocese of Nueva Segovia sa mga apektado ng pagbaha dulot ng bagyong Maring.

Inihayag Fr. Danilo Martinez, Social Action Director ng Archdiocese of Nueva Segovia at Parish Priest ng Our Lady of Hope Parish sa bayan ng Caoayan, Ilocos Sur na nakipag-ugnayan siya sa kanilang alkalde na maaaring ang simbahan bilang evacuation center ng mga residenteng nagsilikas sa kanilang mga tahanan.

“Nag-aantay din kami ng mga evacuees kasi I asked the Mayor if they need some place for evacuation pwede ang simbahan,” pahayag ni Fr. Martinez sa Radio Veritas.

Kasabay nito, umaapela ng panalangin at pagtulong si Fr. Martinez matapos na maapektuhan ng pagbaha ang malaking bahagi ng Ilocos Sur dahil sa pananalasa ng bagyong Maring.

Ayon kay Fr. Martinez, lubog sa malalim na baha ang ilang mga bayan partikular na ang mga malapit sa dagat habang isang tulay ang nasira at hindi madaanan dahilan upang hindi mapasok ang kanilang lalawigan hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ni Fr. Martinez na sinisikap nilang makipag-ugnayan sa ibang mga simbahan at parokya bagamat apektado din ng bagyo ang kanilang elektrisidad at mga linya ng komunikasyon.

“Lubog sa baha ang karamihan ng mga bayan tapos na-cut din ang national highway dahil sa isang nasirang tulay part ng Sta. Cruz, Ilocos Sur, may malaking river doon kaya not passable siya ngayon papunta ng Manila. Siguro until tomorrow we can do our initial report, almost 24 hours na kaming walang kuryente,” pahayag ni Fr. Martinez sa panayam ng Radyo Veritas.

Tiniyak ni Fr. Martinez na sisikapin ng Arkidiyosesis at ng tanggapan ng Caritas Nueva Segovia na agad makaagapay sa pangangailangan ng mga apektadong residente kaya’t umaapela din sila ng pagtulong mula sa mga mananampalataya.

“Nagre-request na din kami ng mga tulong para makatulong tayo sa mga apektado ng bagyo nabigla ang lahat we didn’t expect na ganito kalakas,” dagdag pa ni Fr. Matinez.

Sa kasalukuyan ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Maring ngunit nag-iwan ito ng pinsala sa ilang mga arkdiyosesis at diyosesis sa Northern Luzon partikular na sa Cagayan, Ilocos Sur, Ilocos Norte at Benguet.

Patuloy naman sinisikap ng mga Social Action at Caritas Network sa bahagi ng Simbahang Katolika na magsagawa ng rapid assessment at posibilidad ng agarang pagtulong.

Para sa mga tulong o donasyon sa Archdiocese of Nueva Segovia, maaaring magpadala thru Gcash sa numerong 09175811015 o kaya ay makipag-ugnayan sa tanggapan o Facebook page ng Caritas Nueva Segovia.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,244 total views

 47,244 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,332 total views

 63,332 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 100,723 total views

 100,723 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 111,674 total views

 111,674 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 30,794 total views

 30,794 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 44,086 total views

 44,086 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top