Mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa droga, nararapat parusahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 300 total views

Nararapat lamang na maparusahan ang mga opisyal ng bayan na sangkot at may kinalaman sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Ito ang binigyang diin ni Dante Jimenez – Founder at dating Chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), kaugnay sa inaasahang paglalabas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng ikatlo at huling listahan ng mga personalidad na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Giit ni Jimenez, nararapat lamang ibunyag ang mga pangalang ito upang makasuhan at patawan ng karampatang parusa dahil sa hindi pagiging tapat sa kanilang tungkuling sinumpaan.

“Dapat lang talaga they have to be responsible, marami po dyan na dapat makasuhan na o kung hindi magresign nalang, either protector sila o talagang sila ay directly involve sa illegal drugs…”pahayag ni Jimenez sa panayam sa Radio Veritas.

Bukod dito, umaasa ang Volunteers Against Crime and Corruption na magpapatuloy ang hakbang ng pamahalaan laban sa kalakalan ng ilegal na droga sa bansa na isa sa mga pangunahing dahilan ng iba’t ibang krimen at karahasan sa lipunan.

Ayon kay Jimenez, dapat na mapanatili ng pamahalaan ang kasalukuyan nitong kampanya laban sa ilegal na drogra upang tuluyan ng mawakasan ang laganap na kalakalan at paggamit ng ilegal na droga na nagdudulot ng kriminalidad sa bansa.

Una nang inihayag ng Philippine National Police na bumaba ng 31-porsyento ang krimen sa bansa mula noong nakalipas na taon habang nabawasan naman ng 90-porsyento ang supply ng ilegal na droga sa bansa sa loob pa lamang ng dalawang buwan mula ng magsimula ang Oplan Double Barrel at Oplan Tokhang.

Nabatid na sa mahigit 150 pangalan sa listahan ni Pangulong Duterte na sinasabing sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa buong bansa, 54 sa mga ito ang mga halal na opisyal ng pamahalaan, sa bilang na ito, 32 ang kasalukuyang nakaluklok sa puwesto kung saan 23 ang mayor, 7 ang vice mayor, 1 ang district representative at 1-konsehal.

Una nang inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mula January 2015 hanggang January 2016 ay umabot sa 69 na mga halal na opisyal ng lokal na pamahalaan ang naaresto ng kanilang tanggapan dahil sa pagkakasangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Batay sa panlipunang katuruan ng Simbahan Katolika ang isang mabuting lider ay nagpapaalipin, nagpapakumbaba at tunay na naglilingkod sa taumbayan at sa kanyang mga nasasakupan ng walang halong sariling interes sa kanyang panunungkulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 30,516 total views

 30,516 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 58,867 total views

 58,867 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 126,597 total views

 126,597 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 149,748 total views

 149,748 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 217,691 total views

 217,691 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top