Voting is an act of prayer-Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Ang pagboto sa halalan ay maituturing na isang paraan ng pananalangin para sa bayan.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action – Justice and Peace sa ikalawang serye ng novena mass ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) bilang paghahanda sa 2022 national elections.

Ayon sa Obispo, ang pagboto ay isang paraan ng pagdarasal para sa pagkakaroon ng bayan ng kapat-dapat na opisyal na mamumuno para sa bayan.
Paliwanag ni Bishop Bagaforo na siya ring National Director ng NASSA/Caritas Philippines, dapat na isa-puso at isa-isip ng bawat botante sa pagboto ang pananalangin sa pagsasakatuparan ng ikabubuti ng buong bansa.
Iginiit ng Obispo na bukod sa pananalangin sa pagkakaroon ng lider na tututok sa kaunlaran, katahimikan at kaginhawaan ng bayan ay dapat din piliin ng mga botante ang mga lider na higit na magbibigay prayoridad sa pagsugpo sa malawakang krisis na dulot ng pandemya.

“Voting is an act of prayer, kung tayo ay boboto isa yang dasal, dasal natin sana magkaroon tayo ng karapat-dapat na leaders, pinuno ng ating bayan. Voting is an act of prayer kapag tayo ay nagboto, tayo ay nagdadasal na sana magkaroon tayo sa ating bansa ng kaunlaran, katahimikan, maging maginhawa ang ating buhay, maging matahimik ang ating buhay, hindi tayo maghirap na sana matulungan tayo ng ating mga pinuno na ating pipiliin para masugpo itong pandemic at huwag ng magpatuloy pa ng maraming taon, so tandaan natin voting is an act of prayer.” Ang bahagi ng pagninilay ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Kaugnay nito bahagi ng layunin ng ikalawang serye ng online mass ng PPCRV na ipanalangin ang paninindigan sa tama ng mga alagad ng batas sa pagbabantay sa kabuuang proseso ng halalan.

Tinagurian ang serye ng novena masses na gagawain sa loob ng siyam na buwan na PPCRV Prayer Power Campaign 2022 na nagsimula noong ika-9 ng Setyembre, 2021 na gagawin hanggang sa mismong araw ng halalan sa ika-9 ng Mayo, 2022.

Layunin ng gawain na ipanalangin at hingin ang paggabay ng Panginoon sa matalino at maka-Diyos na pakikilahok sa halalan ng bawat mamamayang Pilipino o pagpapairal ng One Godly Vote para sa kinabukasan ng bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,815 total reads

 2,815 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,743 total reads

 4,743 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 13,130 total reads

 13,130 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,508 total reads

 50,508 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,779 total reads

 81,779 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,465 total reads

 158,465 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 252,074 total reads

 252,074 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 24,078 total reads

 24,078 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top