Drug inquiry, walang malinaw na legislative purpose

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 339 total views

Walang malinaw na “legislative purpose” ang Congressional drug inquiry ng House of Representatives Justice committee sa sinasabing multi-bilyong pisong illegal drug operations sa New Bilibid Prisons.

Walang nakikita si San Beda College Graduate School of Law dean Father Ranhilio Aquino na malinaw na batas kailangang balangkasin sa isinagawang drug inquiry ng mga Kongresista.

Hindi malaman ni Father Aquino kung ano ang tunay na purpose o layunin ng House inquiry in aid of legislation.

Iginiit ng pari na walang kaayusan ang inquiry kaya lumalabas na layon lamang nito na i-discredit o sirain si Senador Leila de Lima bilang dating kalihim ng Department of Justice na may jurisdiction sa NBP na tinaguriang “Little Las Vegas”.

“I do not know what is the real purpose, very unusual,very unprocedural. I did not see a clear legislative purpose, what I saw is clear discrediting De Lima. If you say in aid of legislation, make it clear ano ba talaga ang binabalak niyong ipasang batas,” pahayag ni Father Aquino sa Radio Veritas.

Pinuna din ng pari ang mga ‘hearsay testimony” ng mga expert witness tulad ni Rodolfo Magleo dahil sa maling pagtatanong ni Department of Justice secretary Vitaliano Aguirre III.

Giit ni Aquino, karamihan sa mga testigo ay tila nagbibigay lamang ng kanilang opinyon, mga narinig at tila walang kaugnayan sa kanilang personal na nalalaman.

“Saan na ang pagkakaiba ng personal knowledge, nang opinion, nang conjecture at hearsay?Pinagsama-sama and the worst thing is if the ordinary Filipino listen, they did not study the evidence,” paglilinaw ni Father Aquino.

Malaking katanungan din kay Father Aquino ang pagbibigay ng immunity ng House Justice Committee sa mga testigo ni Secretary Aguirre na hindi ibinigay ng Senado sa testigong si Motabato na mabigat din ang testimonya.

“The big question is, they were so eagerly granting immunity and yet the testimony that Motabato had in Senate is equally important,” pahayag ng pari.

Sa halip, pinayuhan ni Father Aquino ang mga mambabatas na harapin ang napakaraming problema ng bansa tulad ng traffic, mga depektibong bagon ng MRT, droga, kahirapan, katiwalian kaysa pagtuunan ng pansin ang mga personal na usapin o chasing personalities.

Si De Lima ay una ng inakusahan na may kaugnayan sa ilegal na droga sa loob ng piitan at kabilang sa 54 na opisyal ng gobyerno na sinasabing protector ng ipinagbabawal na gamot.

Base sa inilabas na listahan ng Pangulong Duterte may mahigit 150 ang mga big time pushers sa bansa kabilang na ang mga opisyal ng bayan.

Sa isang mensahe ni Pope Francis, sinabi nito na ang tsismis o gossip na bagamat hindi nagdudulot ng sakit sa katawan, subalit sumusugat ito sa ating kaluluwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 20,818 total views

 20,818 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 49,169 total views

 49,169 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 116,899 total views

 116,899 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,050 total views

 140,050 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 208,715 total views

 208,715 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 149,562 total views

 149,562 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 313,413 total views

 313,413 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top