Bishop Bacani, pinayuhan ang mga paring naghain ng COC na galingan ang pamamahala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 759 total reads

Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga lingkod ng Simbahan na ang pakikisangkot sa usaping panlipunan kabilang na ang pulitika ay bahagi ng misyon ng mga pastol ng Simbahan.

Sa panayam ng Radio Veritas, iginiit ni Bishop Bacani na ipinagbabawal sa batas ng Simbahan ang pagkandidato ng mga pari maliban na lamang sa tinaguriang ‘extreme cases’ sa patnubay ng kanilang obispo.

“May mga extreme cases po na ang pari ay pwedeng kumandidato ngunit dapat may pahintulot ng kanyang obispo, kung walang pahintulot ng kanyang obispo may mga consequences yan sa kanyang pagtupad ng tungkulin bilang pari,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Ito ang mensahe ng Obispo kaugnay sa paghain ng kandidatura ng ilang pari para sa 2022 national and local elections.

Batid ni Bishop Bacani na bilang mamamayan ay karapatan nitong pamunuan ang bayan subalit sa pagiging pari ang pakikisangkot sa pulitika ay upang gabayan ang mamamayan sa paghalal ng mga karapat dapat na pinuno ng bayan.

“Tayong mga pari ay dapat masangkot sa pulitika ngunit hindi tayo dapat mamulitika, tayo ay mga nasasangkot bilang mga pari at hindi bilang mga pulitiko; ang atin ay hindi ang makahawak tayo ng kapangyarihan sa pamahalaan kundi upang i-guide ang mga tao na mamuhay at pumili ng mga lider na nararapat,” dagdag pa ni Bishop Bacani.

Sinasaad sa Canon Law 285 ‘3. Clerics are forbidden to assume public offices which entail a participation in the exercise of civil power.’

Batay sa pagsaliksik ng Veritas Newsteam, tatlong pari ang naghain ng kanilang kandidatura sa lokal na posisyon sa halalan sa susunod na taon.

Kabilang na rito si Fr. Granwell Pitapit ng Diocese of Libmanan na tumakbong alkalde sa Libmanan, Camarines Sur; Fr. Emmanuel Alparce ng Diocese of Sorsogon na tumakbong konsehal sa Bacacay, Albay; at Fr. Emerson Luego ng Diocese of Tagum na tumakbong alkalde sa Mabini Davao De Oro.

Mensahe ni Bishop Bacani sa mga paring kumandidato na pagbutihin ang paglilingkod sa mamamayan at palawakin ang misyon ng simbahan sa mabuting pamamahala.

“Kapag kayo ay naupo sa posisyon galingan ninyo ang pamamahala, hindi sapat na tayo ay mabuting pari dapat magaling din tayong mamahala ayon sa tungkuling iniaatang ng bayan na pumipili sa kanilang mga leaders,” giit ni Bishop Bacani.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 5,339 total reads

 5,339 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 87,320 total reads

 87,320 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 189,047 total reads

 189,047 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 225,835 total reads

 225,835 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 256,271 total reads

 256,271 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top