Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Basura free cemeteries, panawagan ng EcoWaste Coalition

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 827 total views

Nagbabala ang grupong EcoWaste Coalition sa publiko na panatilihing ligtas sa anumang uri ng basura ang mga sementeryo ngayong Undas.

Ito ang paalala ng grupo bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo bago ito pansamantalang isara sa publiko upang maiwasan ang COVID-19 transmission.

Ayon kay EcoWaste Zero Waste Campaigner Jove Benosa na maliban sa pagsunod sa minimum public health protocols, hinihikayat din nito ang publiko na sa halip na mga basura ay mga bulaklak na lamang ang iwan sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Aside from the minimum public health protocols that all visitors must observe, we enjoin everyone to leave nothing but flowers and prayers in the cemeteries…Littering in cemeteries disrespects the dead, the living and Mother Earth, too, and can no longer be tolerated,” pahayag ni Benosa.

Samantala, nananawagan din ang EcoWaste sa mga pulitiko na iwasan ang paglalagay ng mga campaign materials sa mga sementeryo.

Giit ng grupo na ngayong Undas nawa’y mapanatili ang pagiging malinis ng mga sementeryo, gayundin ang maiwasan ang epekto ng pangagampanya para sa nalalapit na eleksyon.

“We also appeal to all politicians and political parties, including party list groups, to refrain from putting up propaganda materials such as tarpaulins in cemeteries and adjacent places. Let’s keep our cemeteries free of garbage, as well as partisan politics,” dagdag ni Benosa.

Ngayong Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, pansamantalang isasara sa publiko ang mga sementeryo partikular na sa Metro Manila batay na rin sa pahintulot ng 17-mayor ng National Capital Region.

Tatalima naman ang Archdiocese of Manila sa utos ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo ngayong Undas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 62,560 total views

 62,560 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 130,048 total views

 130,048 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 151,113 total views

 151,113 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 172,449 total views

 172,449 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 204,853 total views

 204,853 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top