Cardinal Tagle, itinalaga ni Pope Francis na in-charge sa beatification ni Venerable Pauline Marie Jaricot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 802 total reads

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples na manguna sa beatification ceremony ni Venerable Pauline-Marie Jaricot.

Inanunsyo ang beatification ng santo ni Gaëtan Boucharlat de Chazotte ang Secretary General ng Pontifical Mission Societies (PMS) ng France.

Itinakda sa Mayo 22, 2022 ang gawain sa Lyon France kung saan ayon kay Father Brian Lucas, National Director ng Catholic Mission magandang pagkakataon sapagkat ipagdiriwang din ang ika – 200 anibersaryo ng pagkakatatag ng Society for the Propagation of the Faith na itinatag ng santo noong 1882.

Si Cardinal Tagle ang kauna-unahang Filipino na mangunguna sa beatification ceremony sa kasaysayan.

Ibinahagi ni Fr. Lucas na aktibo si Venerable Pauline-Marie Jaricot sa pagsuporta sa gawain ng misyon bilang layko at nakikipagtulungan sa iba’t ibang religious congregation.

Mas lumago ang Society for the Propagation of the Faith at ginawang Pontifical Mission sa pamamagitan ni Pope Benedict XV na layong ipalaganap ang pagmimisyon at Mabuting Balita sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Bukod sa Pontifical Society for the Propagation of Faith, itinatag din ni Venerable Pauline-Marie Jaricot ang Association of Living Rosary.
Bagamat nasa pamamahala ng Congregation for the Causes of Saints ang beatification ng mga santo,

itinalaga ng Santo Papa si Cardinal Tagle sapagkat ito ang namumuno sa tanggapan ng Propaganda Fidei kung saan nasasakop ang Pontifical Society for the Propagation of the Faith ni Pauline Marie Jaricot.

Ipinganak si Jaricot sa Lyon France noong July 22, 1799 at pumanaw noong January 9, 1862.

January 25, 1963 naman ng idineklarang venerable sa pamamagitan ni Pope John XXIII habang Mayo 26, 2020 nang ipinag-utos ni Pope Francis ang pagproklama ng Decree para sa himalang iniugnay sa tulong ng santo.

Ang beatification process na pinangasiwaan ng Congregation for the Causes of Saints ng Vatican ang nagsagawa ng komprehensibong pag-aaral bago italagang ‘Blessed’ ang isang santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 4,357 total reads

 4,357 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 86,419 total reads

 86,419 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 188,146 total reads

 188,146 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 224,934 total reads

 224,934 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 255,423 total reads

 255,423 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top