Vaccination ng mga kabataang 12-17 taong gulang, naging matagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 760 total reads

Iniulat ni National Vaccination Operations Center Chairperson and Health Undersecretary Myrna Cabotaje na naging maganda ang simula ng pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine para sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Ayon kay Cabotaje, aabot na sa higit 3,400 ang bilang ng mga kabataang nabigyan ng bakuna batay sa huling tala nitong Oktubre 19 mula sa walong ospital sa Metro Manila.

“Maganda naman ang ating turn-out. As of October 19, may nabakunahan nang 3,416 na mga bata sa walong ospital na pinagsimulan ng ating pagbabakuna ng 12-17 years old,” bahagi ng pahayag ni Cabotaje sa panayam sa programang Veritas Pilipinas.

Pagbabahagi ni Cabotaje na sa mga ospital muna unang isinasagawa ang pagbabakuna para sa mga kabataan upang matiyak na ligtas ito at nang sa gayon ay mabantayan ang kondisyon matapos matanggap ang bakuna.

Matatandaang noong taong 2016 nang nagkaroon ng pangamba ang mga tao dahil sa naging epekto ng Dengvaxia vaccine laban sa Dengue na naging sanhi ng pagkasawi ng ilang mga kabataang nabakunahan nito.

Ito rin ang dahilan kaya magpahanggang ngayon, marami pa ring hindi nagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil naman sa maaaring maging masamang epekto nito sa katawan ng tao.

“Alam naman natin in the past, di ba? May hindi tayo magandang karanasan sa isang bakuna na in-introduce natin. So, gusto natin na medyo controlled ‘yung ating environment sa ospital. Nandyan ‘yung pediatrician para makita kung ano pa ‘yung kailangan na mga hakbang na gawin para mas mapabuti at makarespond kaagad kung may mga side effects sa pagbabakuna,” ayon kay Cabotaje.

Sa ngayon, ang COVID-19 vaccine mula sa Pfizer at Moderna pa lamang ang nakatanggap ng Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Philippine Food and Drug Administration (FDA) upang maipamahagi para sa mga kabataan.

Oktubre 15 nang simulan ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine sa mga kabataan at nilalayong unahin ang nasa 1.2-milyong kabataang mayroong pre-existing conditions o comorbidities.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 39,815 total reads

 39,815 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 34,294 total reads

 34,294 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 69,319 total reads

 69,319 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 171,142 total reads

 171,142 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 211,701 total reads

 211,701 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 230,883 total reads

 230,883 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 135,493 total reads

 135,493 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top