Cardinal Tagle, itinalaga ni Pope Francis na in-charge sa beatification ni Venerable Pauline Marie Jaricot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 712 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples na manguna sa beatification ceremony ni Venerable Pauline-Marie Jaricot.

Inanunsyo ang beatification ng santo ni Gaëtan Boucharlat de Chazotte ang Secretary General ng Pontifical Mission Societies (PMS) ng France.

Itinakda sa Mayo 22, 2022 ang gawain sa Lyon France kung saan ayon kay Father Brian Lucas, National Director ng Catholic Mission magandang pagkakataon sapagkat ipagdiriwang din ang ika – 200 anibersaryo ng pagkakatatag ng Society for the Propagation of the Faith na itinatag ng santo noong 1882.

Si Cardinal Tagle ang kauna-unahang Filipino na mangunguna sa beatification ceremony sa kasaysayan.

Ibinahagi ni Fr. Lucas na aktibo si Venerable Pauline-Marie Jaricot sa pagsuporta sa gawain ng misyon bilang layko at nakikipagtulungan sa iba’t ibang religious congregation.

Mas lumago ang Society for the Propagation of the Faith at ginawang Pontifical Mission sa pamamagitan ni Pope Benedict XV na layong ipalaganap ang pagmimisyon at Mabuting Balita sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Bukod sa Pontifical Society for the Propagation of Faith, itinatag din ni Venerable Pauline-Marie Jaricot ang Association of Living Rosary.
Bagamat nasa pamamahala ng Congregation for the Causes of Saints ang beatification ng mga santo,

itinalaga ng Santo Papa si Cardinal Tagle sapagkat ito ang namumuno sa tanggapan ng Propaganda Fidei kung saan nasasakop ang Pontifical Society for the Propagation of the Faith ni Pauline Marie Jaricot.

Ipinganak si Jaricot sa Lyon France noong July 22, 1799 at pumanaw noong January 9, 1862.

January 25, 1963 naman ng idineklarang venerable sa pamamagitan ni Pope John XXIII habang Mayo 26, 2020 nang ipinag-utos ni Pope Francis ang pagproklama ng Decree para sa himalang iniugnay sa tulong ng santo.

Ang beatification process na pinangasiwaan ng Congregation for the Causes of Saints ng Vatican ang nagsagawa ng komprehensibong pag-aaral bago italagang ‘Blessed’ ang isang santo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 36,946 total views

 36,946 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 80,554 total views

 80,554 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 164,432 total views

 164,432 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 178,868 total views

 178,868 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top