Vaccination ng mga kabataang 12-17 taong gulang, naging matagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 710 total reads

Iniulat ni National Vaccination Operations Center Chairperson and Health Undersecretary Myrna Cabotaje na naging maganda ang simula ng pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine para sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Ayon kay Cabotaje, aabot na sa higit 3,400 ang bilang ng mga kabataang nabigyan ng bakuna batay sa huling tala nitong Oktubre 19 mula sa walong ospital sa Metro Manila.

“Maganda naman ang ating turn-out. As of October 19, may nabakunahan nang 3,416 na mga bata sa walong ospital na pinagsimulan ng ating pagbabakuna ng 12-17 years old,” bahagi ng pahayag ni Cabotaje sa panayam sa programang Veritas Pilipinas.

Pagbabahagi ni Cabotaje na sa mga ospital muna unang isinasagawa ang pagbabakuna para sa mga kabataan upang matiyak na ligtas ito at nang sa gayon ay mabantayan ang kondisyon matapos matanggap ang bakuna.

Matatandaang noong taong 2016 nang nagkaroon ng pangamba ang mga tao dahil sa naging epekto ng Dengvaxia vaccine laban sa Dengue na naging sanhi ng pagkasawi ng ilang mga kabataang nabakunahan nito.

Ito rin ang dahilan kaya magpahanggang ngayon, marami pa ring hindi nagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil naman sa maaaring maging masamang epekto nito sa katawan ng tao.

“Alam naman natin in the past, di ba? May hindi tayo magandang karanasan sa isang bakuna na in-introduce natin. So, gusto natin na medyo controlled ‘yung ating environment sa ospital. Nandyan ‘yung pediatrician para makita kung ano pa ‘yung kailangan na mga hakbang na gawin para mas mapabuti at makarespond kaagad kung may mga side effects sa pagbabakuna,” ayon kay Cabotaje.

Sa ngayon, ang COVID-19 vaccine mula sa Pfizer at Moderna pa lamang ang nakatanggap ng Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Philippine Food and Drug Administration (FDA) upang maipamahagi para sa mga kabataan.

Oktubre 15 nang simulan ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine sa mga kabataan at nilalayong unahin ang nasa 1.2-milyong kabataang mayroong pre-existing conditions o comorbidities.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 4,360 total reads

 4,360 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 86,422 total reads

 86,422 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 188,149 total reads

 188,149 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 224,937 total reads

 224,937 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 255,426 total reads

 255,426 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 58,587 total reads

 58,587 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top