Masusing imbestigasyon sa nasunog na DOH office sa Pagadian city, hiniling ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 712 total views

Hinihiling ni Diocese of Pagadian Bishop Ronald Lunas na sumailalim sa masusing imbestigasyon ang naganap na sunog sa gusali ng Department of Health Integrated Provincial Health Office sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.

Naganap ito noong Oktubre 31 kung saan napinsala ang nasa mahigit-100,000 doses ng COVID-19 vaccine matapos na maapektuhan ng sunog ang maintenance at supply area ng gusali.

Sinabi ni Bishop Lunas na lubhang nakakalungkot ang naganap na sunog sapagkat malaki ang epekto nito sa pagkakaantala ng kampanya ng lalawigan upang labanan ang COVID-19.

“The incident is indeed unfortunate. It’s a big loss in the campaign against COVID-19. Around 100,000 vaccines wasted are no joke! My wish is that there will be a thorough investigation on what happened as this concerns the common good,” pahayag ni Bishop Lunas sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, umaasa naman ang Obispo na sa kabila ng naganap na sakuna ay masolusyunan agad ito ng mga kinauukulan upang patuloy pa ring maisagawa ang vaccination program para sa kaligtasan ng mamamayan laban sa pinangangambahang virus.

“I further hope that there will be assistance from agencies concerned for the province of Zamboanga del Sur to continue the vaccination program to protect more people from getting infected by the virus,” saad ni Bishop Lunas.

Nauna nang sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez na agad itong magpapadala ng mga kinakailangang COVID-19 vaccine doses upang maipagpatuloy ang vaccination program sa lalawigan.

Inihayag din ni Justice Secretary Menardo Guevarra na iimbestigahan din ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naganap na insidente para matingnan ang posibilidad na maaaring sinadya ang sunog.

Batay naman sa ulat ng Bureau of Fire Protection, tinatayang nasa humigit-kumulang 1.5-milyon ang halaga ng mga pinsala at wala namang nasawi o nasugatan sa insidente.

Napinsala naman ang nasa 9,176 na AstraZeneca vaccines, 14,400-Moderna vaccines, 88,938-Pfizer vaccines at 36,164 naman ng Sinovac vaccines.

Kabilang din sa nasunog ang mga bakuna para sa mga sakit na hepatitis, tigdas at polio.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 42,247 total views

 42,247 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 38,116 total views

 38,116 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 74,318 total views

 74,318 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 83,178 total views

 83,178 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 108,907 total views

 108,907 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top