Ecological conversion, inaasahang maging bunga ng COP26 summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 524 total views

Napapanahon ang isinasagawang United Nations Climate Change Conference o COP26 Summit sa Glasgow, Scotland kasabay ng paggunita ng Pilipinas sa ikawalong anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa.

Ayon kay Living Laudato Si’ Philippines, Executive Director Rodne Galicha, ang naganap na pananalasa ng bagyong Yolanda sa bansa noong 2013 ay sanhi ng kapabayaan ng mga tao sa kalikasan kaya’t naging malawak ang pinsala nito hindi lamang sa kapaligiran, kundi lalo na sa buhay ng libo-libong tao.

Sinabi ni Galicha na mula nang maganap ito, mas lumalala pa ang mga sakunang nagaganap sa Pilipinas na patuloy namang nagpapahirap sa buhay ng mga tao.

“Eight years after the onslaught of Typhoon Haiyan (Super Typhoon Yolanda) in the Philippines, more than a thousand people are still missing. Year after year thenceforth, the intensity of extreme weather conditions is increasing.” pahayag ni Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, iginiit naman ni Galicha na ang COP26 Summit ay isang pagkakataon upang talakayin ang mga maaaring maging tugon ng iba’t ibang bansa para maiwasang mangyari muli ang katulad na sakunang naganap sa Pilipinas.

Binigyang-diin din nito na ang climate action na tinatalakay sa COP26 Summit ay naglalayong hikayatin ang bawat isa na kumilos tungo sa ecological conversion na kinakailangan ng mundo upang patuloy na mapangalagaan ang kalikasan para sa kapakanan ng lahat lalo na ng mga susunod pang henerasyon.

“COP26 is an opportunity to address losses and damages, both for humanity and ecosystems. Climate action is not only about common but differentiated responsibilities but a collective conscience and uncompromised moral imperative towards intergenerational justice, equity and common good,” saad ni Galicha.

Sa Laudato Si ni Pope Francis, iginiit nito na ang usapin sa klima ay hindi lamang isyu na dapat tugunan ng iilan, bagkus dapat itong harapin ng bawat tao, magkakaiba man ang relihiyon o katayuan sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 50,412 total views

 50,412 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 50,412 total views

 50,412 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 50,412 total views

 50,412 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 48,865 total views

 48,865 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 44,638 total views

 44,638 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top