Ang mga Manufacturers at ang Climate Change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 729 total reads

Ang climate change ay responsibilidad nating lahat. Malinaw na lahat tayo ay apektado nito. Malinaw na kung wala tayong gagawin, mas malala ang mga darating na natural na sakuna hindi lamang  sa ating bayan, kung hindi sa buong mundo. Kaya nga’t marami sa atin, gumagawa na ng paraan upang makapag-ambag kahit sa maliit na bagay lamang, upang mapigilan ang patuloy na pag-init ng mundo.

Kaya lamang, kapanalig, parang may mali. Kadalasan, ang mga maliit na tao ang laging napupuntirya pagdating sa kapabayaan sa ating kapaligiran. Kapag nagkamali o nagkulang, mas madaling patawan ng parusa o multa ang maliit na tao. Pero kapag kumpanya o kaya gobyerno ang nagkamali o nagkulang sa kalikasan, kay hirap panagutin. Makatarungan ba ito?

Tingnan na lamang natin ang isa sa mga pangunahing basura sa mundo, ang plastic. Marahil, marami na ang nakaranas na mamultahan o masita dahil sa pag-gamit ng plastic sa mga tingi-tinging binibili mga tindahan o sa palengke. Maraming mga ordinansa sa iba’t ibang local government units o LGUs ng bansa ang nagbabawal ng pag-gamit ng plastic.  At dapat lamang ito, dahil ayon sa isang pag-aaral, noong 1950, dalawang milyong tonelada lamang ang nalilikhang mga plastic sa buong mundo kada taon. Nitong 2019, mga 368 milyong tonelada na ito kada taon. Mahigit sa kalahati nito ay nalikha lamang simula 2000.

Kadalasan, ang mga plastic na ito ay ginagamit natin para sa packaging ng mga produktong ating binibili.  Ang mas nakakalungkot, kapanalig, halos kalahati ng mga plastic na ating ginagamit ay para sa minsanang gamit lamang—single-use. Isang beses lamang natin ginagamit, itatapon na lamang agad, at ilang daang taon mananatili sa ating mundo. At dahil nga tayo ang end-user, karaniwan, tayo ang nasisisi sa pagdami ng plastic sa mundo.

Kapanalig, kailangan din nating makita ang bahagi o papel ng mga manufacturers sa pagdami ng plastics sa ating mundo. Kailangan din natin makita na nasa kanilang kamay din ang pagbawas ng produksyon ng plastic sa buong mundo. Kung mula sa producer mismo manggaling ang pagbabago, mapipigilan na ang pagdami ng plastic sa buong mundo. Kailangan din natin makita ang ambag ng gobyerno dito sa pamamagitan ng mga bago at may ipin na polisiya.

Marami ng mga manufacturers ngayon ang umiiwas sa pag-gamit ng plastic. Halimbawa dito ay ang mga gumagawa ng mga shampoo bars at soap bars na gamit ang paper packaging para sa kanilang produkto. Marami na rin ang nagtayo ng mga refilling stations upang mabawasan na ang pagdami a ng mga plastics. Sana mas dumami pa ang mga kumpanyang gaya nila. Sana pati mga malalaking kumpanya ay gumaya na sa kanila. At sana, mas mabigyan sila ng insentibo ng pamahalaan para mas marami ang gumaya. Ito ang makatarungang paraan. Sabi nga sa Mater et Magistra, ang anumang kalakalan ay dapat umiiral ayon sa prinsipyo ng katarungan at pag-ibig.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 95,715 total reads

 95,715 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 157,406 total reads

 157,406 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 203,113 total reads

 203,113 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 304,377 total reads

 304,377 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 369,079 total reads

 369,079 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Battered woman syndrome

 95,716 total reads

 95,716 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 157,407 total reads

 157,407 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 203,114 total reads

 203,114 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 304,378 total reads

 304,378 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »
Scroll to Top