Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag bigyan ng dagdag na pasanin ang mga manggagawa, panawagan ng Obispo sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 572 total views

Umapela si Catholic Bishop Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) Vice-Chairman Bishop Oscar Jaime Florencio na tulungan ang mga manggagawa sa halip na dagdagan ang mga kinakaharap na suliranin.

Ito ang tugon ng Obispo sa pagpapatupad ng pamahalaan ng mandatory vaccination sa mga onsite workers para sa mga lugar na mayroong sapat na suplay ng bakuna.

Ayon kay Bishop Florencio na siya ring Military Ordinariate of the Philippines, nawa’y magkaroon parin ang pamahalaan ng mga hakbang upang pangalagaan ang kalusugan ng mga manggagawa na hindi maapektuhan ang kanilang kabuhayan.

“I am not against itong mandatory. Sige mag-mandatory tayo pero help us out also,” ayon sa panayam ng Obispo sa Radio Veritas.

Naging tugon naman ni Bishop Florencio ang pagbibigay ng insentibo ng pamahalaan sa mga manggagawang sasagutin ang kanilang sariling RT-PCR o swab testing at rapid test upang maiwasan na makaramdam ng diskriminasyon sa trabaho.

“‘Yan ang ibig kong sabihin ima-mandatory nila dapat tutulungan nila, itong tatanggaping ang RT-PCR, ngayon that will be an added expense to the employee, ang government dapat mayroon din siyang mga incentives kasi ang mangyayari doon, para bang ‘I am discriminated already’, I am now pinapagastos ako,” ayon sa Obispo.

Una naring tinutulan ng mga labor groups na Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), Federation of Free Workers (FFW) at Kilusang Mayo Uno (KMU) ang panukalang mandatory vaccination para sa mga manggagawang onsite kung magtrabaho.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 31,898 total views

 31,898 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 52,963 total views

 52,963 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 75,985 total views

 75,985 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 114,769 total views

 114,769 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PCUP at PhilFIDA, lumagda sa kasunduan

 4,979 total views

 4,979 total views Nagkasundo ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) para paigtingin ang pagbibigay ng kabuhayan para

Read More »
Scroll to Top