2021 Ramon Magsaysay awardee, ginawaran ng 2021 Ocean Hero award

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 766 total reads

Nagpapasalamat si Zamboanga Sibugay fisherfolk leader Roberto “Ka Dodoy” Ballon sa natanggap nitong parangal bilang 2021 Ocean Hero Awardee na ginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Oceana Philippines.

Ayon kay Ballon na isa ring 2021 Ramon Magsaysay Awardee, ang gantimpalang kanyang natanggap ay lalong nagbigay ng lakas ng loob at pag-asa upang ipagpatuloy ang pagtatanggol sa karapatan ng mga mangingisdang nangangalaga sa mga karagatan ng bansa.

“Sana’y sa pamamagitan ng mga parangal na kumikilala sa amin [mangingisda] at sa karapatan namin ay mas mapalakas pa natin ang boses ng mga mangingisda. Panahon na upang pakinggan naman kami ng pamahalaan sa usapin ng pangangalaga sa ating karagatan,” pahayag ni Ballon.

Kabilang si Ballon sa mga maliliit na mangingisda na sumusuporta at nakikilahok sa online fisherfolk classroom na bahagi ng kampanya ng Oceana upang maitatag ang Fisheries Management Areas (FMA) system.

Mariin nitong tinutulan ang ilegal na pagpasok ng mga komersyal na barkong pangisda sa loob ng municipal waters na isa sa pinakamabigat na hamon na hinaharap ng pangisdaan at mga mangingisda sa kasalukuyan.

Samantala, sinabi naman ni Oceana vice president, Atty. Gloria Estenzo Ramos na mapalad na nakatuwang ng organisasyon si Ballon upang mapangalagaan ang municipal waters ng Zamboanga Sibugay at iba pang bahagi ng bansa.

“It is always heartwarming to see the hard work of our municipal fisherfolk who have effectively adapted to the new normal of pushing for advocacies during this pandemic,” saad ni Ramos.

Ang Ocean Heroes Award ay sinimulang igawad noong 2016 bilang pagkilala sa mga indibidwal na nangangalaga sa Tañon Strait Protected Seascape na patuloy na kumikilos para sa pangangalaga sa mga karagatan at nagtataguyod sa mga polisiyang nakabatay sa agham hinggil sa wastong pangangasiwa ng pangisdaan.

Walong mangingisda mula sa Tañon Strait ang nauna nang ginawaran bilang Ocean Heroes noong 2016 at 2017.

Nasasaad sa Saligang Batas ng 1987 na tungkulin ng estadong pangalagaan ang karapatan ng maliliit na mangingisda bilang mga may natatanging karapatang pakinabangan ang likas-yaman sa karagatan.

Sa apostolic exhortation ni Pope Francis na Evangelii Gaudium, sinasabi rito na tungkulin ng estado na pangalagaan at itaguyod ang kabutihan ng lahat ng miyembro ng lipunan, kabilang na ang mga mangingisda.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 2,953 total reads

 2,953 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 118,669 total reads

 118,669 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 159,233 total reads

 159,233 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 179,700 total reads

 179,700 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 227,967 total reads

 227,967 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 245,312 total reads

 245,312 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,437 total reads

 133,437 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top