Maging malinis sa katawan at espiritwal na pamumuhay, aral ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 459 total reads

Ang pagiging malinis at maingat hindi lamang sa pangangatawan at kalusugan kundi sa pangkabuuang pagkatao ang isa mga aral na dulot ng COVID-19 pandemic sa pamumuhay ng bawat isa.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Legazpi Bishop Joel Baylon, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa patuloy na pagharap ng bawat isa na krisis na dulot ng pandemya.

Ayon sa Obispo, tulad ng virus na nagdudulot ng panganib sa kalusugan at pangangatawan ay hindi rin dapat hayaan ng sinuman ang anumang moral at pang-espiritwal na dumi sa buhay na maaring magdulot ng panganib at pagkasira ng ating pagkatao.

“Palagay ko isa rin ito sa mga itinuturo nitong karanasan natin sa pandemya na ang virus nga ay dumi and the more we allow dirt sa buhay natin whether it is physical or even moral and spiritual dirt, these are the many forms of viruses na pwedeng pumasok sa buhay natin kaya sana manatili din tayong may sense ng hygiene, ng kalinisan sa ating pagkatao,” pagninilay ni Bishop Baylon.

Paliwanag ng Obispo, bagamat bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay hindi pa rin dapat maging kampante ang mamamayan sa halip ay dapat na patuloy na mag-ingat at pangalagaan ang kalusugan at maging malinis sa kasalanan.

Tiniyak ni Bishop Baylon na ang Panginoon ay tuwinang kasama ng bawat isa sa patuloy na paglalakbay sa buhay na nagsisilbing gabay sa maayos at malinis na paraan ng pamumuhay.

“I think that’s the more positive way of looking at this developments na ito [na pagbaba ng kaso ng COVID-19] masaya pero nandyan pa rin tulad ng kasalanan yung dumi, yung moral evils is still there but kaya natin dahil nandyan ang Panginoon kasama natin,” dagdag pa ni Bishop Baylon.

Umaasa naman si Bishop Baylon na patuloy na tumugon ang bawat mamamayan sa lahat ng mga alituntunin ng pamahalaan bilang pag-iingat sa COVID-19 gayundin ang pagpapabakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 82,873 total reads

 82,873 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 130,211 total reads

 130,211 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 178,082 total reads

 178,082 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 282,030 total reads

 282,030 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 364,320 total reads

 364,320 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top