Paglitaw ng rice black bugs, isinisisi sa maling gawain ng tao sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,465 total reads

Pagbabago sa natural na sistema ng kalikasan at mga maling gawain ng mga tao ang posibleng sanhi ng paglaganap ng peste sa kapaligiran.

Ito ang tinitingnang dahilan ni Leonora Lava, dating Senior Food and Ecological Agriculture campaigner ng Greenpeace Southeast-Asia kaugnay sa paglitaw ng mga alitangya o rice black bugs sa Nueva Ecija.

Ayon kay Lava, mayroong kani-kanyang sistema ng pamumuhay ang mga hayop at insekto na maaaring magdulot ng mabuti o masamang epekto sa kalikasan kapag naapektuhan ng iba’t ibang pangyayari sa kapaligiran.

“Ito ay depende sa nature at sa kapaligirang kinalalagyan ng mga hayop at insekto. Kapag nagkaroon ng disruptions sa mga factors na ito, kasama na ang kaganapan sa kapaligiran, nakakaapekto ito sa cycle ng kanilang pagkabuhay,” bahagi ng pahayag ni Lava sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Lava na ang pagbabago ng klima tulad ng patuloy na pag-init ng temperatura ng mundo at ang maling paggamit ng mga kemikal laban sa mga peste ang nagbubunsod sa mabilis na reproduksyon ng mga insekto.

“May mga possible factors na naging dahilan nito. Posibleng ang pag-init ng mundo na nag-warrant para mas maging mabilis ang kanilang reproduction… Additional pa rito ay ang unsustainable farming practices. Posibleng na-immune na ang mga peste sa ginagamit na inorganic pesticides kaya hindi na sila namamatay, no matter how high ‘yung quantity or dosage na ginamit na pesticides,” saad ni Lava.

Samantala, nagpahayag rin ng pagkabahala ang Kalikasan People’s Network for the Environment (PNE) hinggil sa paglaganap ng mga peste.

Sa pahayag ng grupo sa kanilang facebook page, sinabi nitong ang masamang epekto ng monocropping at paggamit ng pestisidyo ang sumisira sa natural na balanse ng kalikasan.

“Pinapatay ng lason pati ang mga insekto na kumakain sa mga “peste” katulad ng alitangya. Nawawala ang balanse at lumilitaw ang tunggalian ng tao at kalikasan,” pahayag ng grupo.

Ang monocropping ay ang pagtatanim ng parehong pananim sa parehong lugar bawat taon na kalauna’y nagdudulot ng masamang epekto dahil inuubos nito ang sustansya ng lupa.

Dahil dito, napipilitan ang mga magsasaka na gumamit ng kemikal upang makatulong sa pagpapayabong ng mga pananim.

Sinabi naman ng Kalikasan PNE na ang solusyon sa ganitong uri ng suliranin ay ang pagbabago sa sistema ng produksyon ng pagkain na hindi lamang makatarungan para sa mga magsasaka at lipunan, kundi maging sa kapaligiran.

Nasasaad sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco na hinihimok nito ang mga mananampalataya na pangalagaan ang sangnilikha, dahil ang labis na pang-aabuso sa kapaligiran ay magdudulot din ng pinsala sa mga tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 81,305 total reads

 81,305 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 128,780 total reads

 128,780 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 176,651 total reads

 176,651 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 280,599 total reads

 280,599 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 362,937 total reads

 362,937 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 167,385 total reads

 167,385 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top