Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Parish-based vaccination, inilunsad ng Archdiocese of Caceres

SHARE THE TRUTH

 498 total views

Opisyal na inilunsad sa Arcdiocese of Caceres ang kauna-unahang Parish-based Vaccination program sa Bicol Region na tinaguriang “Resbakuna Kaiba an Parokya”.

Naganap ang vaccination Drive sa Archdiocesan Shrine and Parish of St. Jude Thaddeus sa Concepcion Grande, Naga City na dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Naga sa pangunguna ni Naga Mayor Son Legacion.

Ayon kay Rev. Fr. Francis Tordilla, Parish Priest ng Archdiocesan Shrine and Parish of St. Jude Thaddeus, ang Parish-based Vaccination Activity ay alinsunod sa tagubilin ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan upang maprotektahan ang bawat mamamayan sa COVID-19 virus.

Sinabi ng Pari na ang gawain ay isa ring kongkretong tugon ng Arkidiyosesis sa mga tinuran ng Santo Papa Francisco na ang Simbahan ay hindi isang museyo o pribadong tanggapan sa halip ay isang lugar para sa lahat lalo na sa mga nangangailangan.

Paliwanag ni Fr. Tordilla, ang Simbahan ay maituturing din na isang pagamutan na nagbibigay lunas hindi lamang sa mga may karamdamang pangkalusugan kundi karamdaman pag-espiritwal.

“Sabi nga ni Pope Francis ‘The Church is not a museum, the Church is not an office’, ang Simbahan is a field hospital and literally we are making our church a hospital today,” pahayag ni Fr. Tordilla.

Inilaan ang unang Parish-based Vaccination Activity sa dambana sa pagbabakuna sa mga 18-taong gulang pataas sa lugar habang nakatakda naman sa ika-30 ng Nobyembre ang ikalawang Vaccination Drive na nakalaan para sa mga kabataang edad 12-taong gulang hanggang 17-taong gulang.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan ng Naga sa Arkidiyosesis ng Caceres sa patuloy nitong pakikipagtulungan sa pagkamit ng herd immunity ng mga mamamayan ng Bicol region mula sa COVID-19 virus.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 29,524 total views

 29,524 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 41,241 total views

 41,241 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 62,074 total views

 62,074 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 78,494 total views

 78,494 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 87,728 total views

 87,728 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 3,879 total views

 3,879 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 4,480 total views

 4,480 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top