Catholic schools sa Region 2, pinaghahandaan ang face-to-face classes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 610 total reads

Pinaghahandaan na ng Saint Joseph College of Baggao, Inc. (SJCBI) sa Cagayan ang pagbubukas ng face-to-face classes sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay SJCBI President at spiritual director Monsignor Gerry Perez, nakipag-ugnayan na ang Commission on Higher Education (CHED) Regional Office 2 sa institusyon hinggil sa pagsasagawa ng vaccination rollout para sa mga college student.

“Ang CHED pumunta nga sa amin, thru the initiative of Regional Director Jet Paras. Kasi nga in preparation for the face-to-face classes siguro by December or January, e kailangan fully vaccinated ang student population,” bahagi ng pahayag ni Msgr. Perez sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi ni Msgr. Perez na napagkasunduan nila ni Director Paras na gamitin ang mga pasilidad ng SJCBI upang maging vaccination center ng mga estudyante.

Dagdag pa nito na makikipag-ugnayan din ang CHED at Department of Health Regional Office 2 sa mga nursing at medical schools upang kumuha ng mga estudyante na isasailalim muna sa training bago maging volunteer vaccinators.

“Nag-alok si Director Jet na kami na ang bahala sa vaccination centers and vaccinators. Ang kukunin na vaccinators ay mga nursing and medical students… Makikipag-[Memorandum of Agreement] sila sa DOH and CHED na ite-train muna sila, itong mga nursing students na mag-vo-volunteer para maging vaccinators,” saad ni Msgr. Perez.

Samantala, nakiusap din ang CHED at pamunuan ng SJCBI sa lokal na pamahalaan ng Baggao upang gawing prayoridad ang pamamahagi ng bakuna para sa mga estudyante.

Nangako naman ang DOH na magpapadala ito ng karagdagang bakuna na sasapat sa isasagawang vaccination rollout.

“Ang sabi ni Mayora [Joan], mukhang kulang ang vaccine pero ‘yun nga, sinabi naman ni Director Paras na may at least initial talks with the DOH na nag-promise naman sila na they can provide the vaccines,” ayon sa pari.

Batay sa tala ng institusyon, nasa humigit-kumulang 1,400 college student ng SJCBI ang target na mabigyan ng COVID-19 vaccine mula sa inisyatibo ng CHED.

Nagsimula na noong November 15 ang pilot at limited face-to-face classes sa 100 pampublikong paaralan sa mga lugar na maituturing na low-risk areas mula sa banta ng COVID-19.

Habang 20 pribadong paaralan naman ang nagsimula na rin nitong November 22 para sa face-to-face classes.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 5,631 total reads

 5,631 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 17,257 total reads

 17,257 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 122,048 total reads

 122,048 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 162,606 total reads

 162,606 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 183,060 total reads

 183,060 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 231,199 total reads

 231,199 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,583 total reads

 133,583 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top