Pagbili ng negosyanteng si Dennis Uy sa Malampaya, pinapa-imbestigahan ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 740 total reads

Isinusulong ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo ang masusing imbestigasyon hinggil sa Malampaya Deepwater Gas-to-Power Project na nabili ng Udenna Corporation na pagmamay-ari ng negosyanteng si Dennis Uy.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity, nakakabahalang mapasailalim ang Malampaya sa pagmamay-ari ng kumpanyang wala namang sapat na kakayahan sa pagpapatakbo nito.

“Imbestigahan talaga [kung] paano napapunta sa isang grupo na walang capitalization [at] walang track record ang ownership [ng Malampaya] at lalo kay Dennis Uy na may koneksyon sa China,” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Nakuha ni Uy – isang bilyonaryo mula sa Davao City at kilalang malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang 90 porsyento ng shares ng Malampaya sa pamamagitan ng Udenna Corp.

Napag-alaman din sa mga ulat na ang mga negosyong pagmamay-ari ni Uy ay mayroong koneksyon sa China na patuloy namang inaangkin ang mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi naman ni Bishop Pabillo na may bahid ng korapsyon at personal na interes ang usapin ngayon ng Malampaya dahil nakakapagtakang nakuha agad ni Uy ang malaking bahagi nito sa maikling panahon lamang.

“So, paano ngayon napunta sa kanila ang ownership nito na halos 90 percent ng ownership sa Malampaya? So, it’s more on the corruption basis,” ayon kay Bishop Pabillo.

Tinatawag na Malampaya Consortium ang kasunduan sa pagitan ng tatlong kumpanya na dating nagmamay-ari ng Malampaya.

Ang mga kumpanyang ito ay ang Shell at Chevron na parehong nasa 45-porsyento ang shares, at ang Philippine National Oil Company (PNOC) na pagmamay-ari ng pamahalaan na nasa 10-porsyento naman ang shares.

Ngunit noong 2019, binili ng UC Malampaya – subsidiary ng Udenna Corp., ang hati ng Chevron habang ngayong taon naman ay binili na rin nito ang hati ng Shell.

Ang Malampaya ang nag-iisang natural gas field sa ilalim ng karagatan sa bansa na mayroong sukat na 83-libong ektarya at matatagpuan humigit-kumulang 80-kilometro mula sa hilagang-kanluran ng Palawan.

Batay sa pagsusuri, 29 porsyento ng natural gas na nagmumula rito ay ang kontribusyon sa kabuuang power generation ng Luzon o katumbas ng 21 porsyento ng kabuuang power supply ng bansa.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 2,977 total reads

 2,977 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 118,692 total reads

 118,692 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 159,256 total reads

 159,256 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 179,723 total reads

 179,723 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 227,990 total reads

 227,990 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 245,334 total reads

 245,334 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,438 total reads

 133,438 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top