PAMALAKAYA, hinamon ang pamahalaan na manindigan laban sa pananakop ng China

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 992 total reads

Nananawagan ng suporta sa pamahalaan ang National Federation of Small Fisherfolk Organization in the Philippines o PAMALAKAYA sa patuloy na pag-angkin ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Pamalakaya National Chairperson Fernando Hicap, dapat na pagbayaran ng China ang idinulot nitong pinsala sa mga yamang-dagat sa WPS tulad ng pagtatambak ng mga lupa sa karagatan upang makapagtayo ng artificial islands.

“Immediate ‘yung panawagan natin. ‘Yung manindigan at igiit na tayo talaga ‘yung mayroong karapatan d’yan sa West Philippine Sea,” pahayag ni Hicap sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ni Hicap na dapat na ring itigil ng China ang paninindigan kaugnay sa nine-dash line claim na nauna nang sinabi ng United Nations Permanent Court of Arbitration o UN Tribunal na pasok sa exclusive economic zone ng ibat-ibang mga bansa gaya ng Pilipinas.

“Dapat na tapusin na ‘yung kahibangan ng China ng pananakop d’yan sa West Philippine Sea.Yung panggigiit n’yan nung kanilang ibinasura na arbitration noong 2016 na nine-dash line [claim],” saad ni Hicap.

Sa desisyon ng UN Tribunal, binabalewala nito ang nine-dash line claim ng China at binibigyang karapatan ang mga mangingisda sa Pilipinas na mangisda sa Scarborough Shoal na inaangkin ng China at ang mischief reef na itinuturing na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Binatikos din ng tribunal ang pagsira ng China sa coral reef nang gumawa sila ng artificial islands na dapat panagutan dahil ito ang pinakamalaking pinsala sa coral reef sa kasaysayan.

Batay sa datos ng Advocates of Science and Technology for the People (AGHAM), hindi bababa sa P1.3 trilyon kada taon ang nawawala sa bansa dahil sa pagkasira ng 16,000 ektarya ng mga coral reef dulot ng reklamasyon at illegal poaching sa WPS.

Samantala, panawagan naman ng grupo sa mga susunod na pinuno ng Pilipinas na nawa’y manindigan laban sa China upang tuluyan nang matigil ang pananakop nito sa mga teritoryong pagmamay-ari ng bansa.

Una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na kinakailangang ang yaman ng nasabing isla ay paghati-hatian ng mga maliliit na bansang nakapaligid dito.

Sinabi rin ng Santo Papa sa kanyang Laudato Si na isa sa dapat pangalagaan ay ang mga pinagkukunang yaman ng mamamayan tulad ng katubigan kaya’t kinokondena nito ang pagsasagawa ng mga aktibidad na pumapatay sa mga isda at iba pang yamang-dagat.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 1,907 total reads

 1,907 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 117,121 total reads

 117,121 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 157,685 total reads

 157,685 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 178,231 total reads

 178,231 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 226,498 total reads

 226,498 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 243,943 total reads

 243,943 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,377 total reads

 133,377 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top