Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

National consecration to the Immaculate Conception of Mary at St. Joseph, live sa Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total views

Makiisa ang Radio Veritas 846 sa isasagawang National Consecration to the Immaculate Conception of Mary and St. Joseph sa December 8,2021.

Sa inilabas na sirkular ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ibinahagi nitong pangungunahan ni CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang pagtatalaga ng bansa sa pamamagitan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo at ang Act of Consecration of Families to St. Joseph.

Gaganapin ito sa San Roque Cathedral sa Diocese of Kalookan dakong alas onse ng umaga kasabay ng pagdiriwang sa Kapistahan ng Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria.

Dahil dito, hinimok ng CBCP ang mananampalataya na magkaisa sa pagtatalaga ng bansa sa Mahal na Birheng Maria at kay San Jose upang mabigyang proteksyon sa banta ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

“Let us, as one nation, earnestly pray for the continued protection of our Blessed Mother Mary and seek the assistance of our dear father St. Joseph, as we continue to face together the effects of the global pandemic,” bahagi ng pahayag ng CBCP.

Ang pagtatalaga ng mga pamilya kay San Jose ay pagtatapos sa Year of St. Joseph na unang itinalaga ni Pope Francis noong December 2020.

Hinikayat din ng CBCP ang mga arkidiyosesis, diyosesis, mga parokya, religious communities at lahat ng mananampalataya na makiisa sa mahalagang gawain kung saan ang December 8 ay itinalaga ng simbahan bilang Holy Day of Obligation.

Nagpadala rin ang CBCP ng kopya ng mga panalangin sa pagtatalaga na maaring dasalin ng mga simbahan pagkatapos ng panalangin sa pakikinabang ng bawat misa.

Bukod sa Radio Veritas 846, matutunghayan din ang gawain sa DZRV 846 Facebook page, Veritas TV sa Skycable 211, TV Maria, CBCP News, Dominus Est at sa iba’t ibang social media pages ng mga simbahan sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 5,587 total views

 5,587 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 27,653 total views

 27,653 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 43,349 total views

 43,349 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 51,590 total views

 51,590 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 115,397 total views

 115,397 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top