Headquarters ng BFP, bibisitahin ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Bibisitahin ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang Bureau of Fire Protection National Headquarters sa Quezon City.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Father (FSI) Raymond Tapia ng BFP Chaplaincy, ibinahagi nitong ito ay bahagi ng paghahandang espiritwal ng mga kawani ng BFP sa nalalapit na Pasko ng Pagsilang ng Panginoong Hesus.

“Mayroon kaming Advent recollection sa BFP tapos ang Nuncio [Archbishop Brown] ang mag-preside ng Misa sa 12 noon,” pahayag ni Fr. Tapia sa Radio Veritas.

Ayon pa kay Fr. Tapia, gagawaran ng BFP ng ‘arrival honors’ si Archbishop Brown sa alas-onse ng umaga.
Susundan naman ito ng ‘courtesy call’ kay BFP Chief, Fire Director Louie Puracan bago ang Misa sa alas-dose ng tanghali.

Ang BFP ang kauna-unahang sakop ng military diocese na magbibigay ng arrival honors sa kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas.

Samantala, ibinahagi rin ng pari na kasalukuyang nasa BFP Headquarters ang national pilgrim image ng Mahal na Birhen ng Fatima hanggang December 9.

Inaanyayahan ng Pari ang mananampalataya na tunghayan ang Banal na Misa na pangungunahan ng Nuncio sa official Facebook page na BFP National Headquarters Chaplain Services – CHS.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 73,245 total reads

 73,245 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 176,008 total reads

 176,008 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 212,796 total reads

 212,796 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 243,371 total reads

 243,371 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 288,706 total reads

 288,706 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top